Chapter 1: Maniwala Ka Kay AnnaMaldita

THE MAKING OF ANNAMALDITA

Maraming nagtatanong bakit MANIWALA KA KAY ANNA MALDITA or MKKAM.  At sa sobrang dami ng nagtanong, hindi ko na nagawang sagutin. Hahaha. Basta ang alam ko makasaysayan ang title na yan. Malalim ang pinaghuhugutan. Mas malalim pa sa sugat na nilikha ng ex ko nun highschool na bigla na lang nakipag-break sa’kin ng hindi man lang ako na informed. Alam na ng mga friends namin, ako clueless pa din. Haha. Pero naka moved on na ko d’yan. Hello, 20 years na nakalipas! Nag eevolve din into something better ang bitterness dapat. At hindi yan ang topic natin sa Chapter na ‘to. Sa ibang pagkakataon siguro. O sa ibang panahon. Kapag tinawag ng pangangailangan at hindi yan ngayon dahil may mga priorities ako. Taraaay! Pero kasi, naging pamantayan ko, Na ang mga bagay na wala ng relevance sa buhay mo ngayon, hindi mo na dapat binabalikan pa. Pwedeng tanawin. Pero hindi mo na pwede iexperience ulit. Wala na ngang relevance eh, para saan pa?  Hindi lahat ng taong daraan sa buhay natin ay pang habambuhay natin na mabibitbit. Kaya nga meron “memories”. Yun lang ang pwede mong dalhin, itapon o  kaya naman eh namnamin. Nasa sa ‘yo kung pano mo gagawing makabuluhan yan, o kapaki pakinabang. At kung wala ka makita ni isang silbi sa memories na yan, excess baggage yan!

   Let’s define Kamalditahan. Hindi ito yung pagiging bratinella or pa-diva. Hindi ito yung pagiging bully o mapang api at mapang insulto ng dahil lang sa trip lang. O dahil lang sa ayaw nila sa tao. HIndi ito defense mechanism gaya ng sabi ng iba, this was actually my coping strategy. I was trying to reduce pain with humour. Naks, PAIN. YES, P-A-I-N.   Contrary to what you all believed in, nakaexperience  at nakaka experience din naman ako ng sakit. Maldita lang ako pero hindi ako manhid. Kung ang bato nga, kahit anong tigas nadudurog eh, ako pa kaya na 36-24-36 ang figure ang hindi manghina? Joke lang,  walang kinalaman ang vital stat sa kapasidad ng tao sa pain management. Kaya kayong mga balingkinitan ang katawan, wag kayong ano dyan!!! Continue reading “Chapter 1: Maniwala Ka Kay AnnaMaldita”