PROLOGUE: I am AnnaMaldita

Oo, ako si AnnaMaldita.

S’yempre hindi ko yan totoong pangalan. Ang tawag dyan, “aka” or “also known as”. Ang totoo kong pangalan ay Analyn. Hindi double N. Sa sobrang hirap ng magulang ko noon, pati sa letra, gipit. Hindi man lang ginawang ANNA LHYNNE. Para sosyal sana. Kapag galit ang tatay ko, nagiging ANALEN yan. Ampanget no? Okay lang, maski ako, hindi ako nagagandahan. No offense sa mga ka tukayo ko, pero ang ibig kong sabihin, parang hindi sya angkop sa personalidad ko. Parang hindi bagay sa height ko na 5′ flat. Di ko alam kung kulang ba ko ng 4 1/2 inches para bumagay sa pangalan na yan. O masyado lang akong “HOT!” Ooops, Pasensya na, intro to eh. Kelangan may wow-factor ang dating ko. Yung pag nabasa mo, mapapailing ka at sasabihin mo, “NAKS NAMAN“!

Mabalik tayo sa usapang Analyn,  ewan ko ba kung bakit ‘yan binigay ng nanay ko. Naubusan na ata ng creativity bilang pang Limang Ire na ko, menopausal baby pa. Kapag tinatanong ko, wala syang maisagot kundi “eh bakit ba nangengealam ka?” Oo nga naman, bakit ba ako nangengealam eh pangalan ko yun? Haller, mader, ano ba karapatan ko kwestyunin sila? Eh bago pa tayo nagkaroon ng kakayanan mag isip at mamili, yan ang kauna unahang tinaggal sa atin, ang piliin ang pangalan na gusto natin. Wala ng choice eh. Isa yan sa mga bagay na habambuhay natin dadalhin hanggang sa lapida natin. Mantakin mo, kung mabubuhay ako ng 80 years sa mundong ibabaw, 80 years kong kailangan panindigan ang  pagiging “ANALYN”, kahit pa labag sa loob ko at sa aking angking kariktan. So ba’t nga ba ko nangengeelam , inay?! Charot!

Nakaka Tsk. Kung ako papipiliin, gusto ko sana kasi yung dating aristokrata. Yung dating mayaman. Yung may karakter. Yung pang kontrabida sa telenovela. Yung marinig palang, iisipin mo, meztiza to oh, mahaba ang legs, matangos ang ilong. Parang Victoria Adelaide Mary Louisa, ganyan. Or Beatrice Fedore Matildah. Yung para bang kapag roll call na sa attendance, pati teacher mo natatakot bigkasin pangalan mo, at kahit na absent ka, ilalagay, “excused“. At kung mahina hina ang loob, kapag may exam, “exempted” ka. Diba ang taraaay? 

Pero cguro nga, ANALYN ang naisip ng nanay ko kasi hindi naman ko meztisa, tapos wala pang Cherifer noon para sa legs kong kulang sa blessings, and lastly, hindi naman kami mayaman para makaisip sya ng pangalan na ka level ng Helena Augusta Antonietta, at cguro din kasi, nun pinanganak ako, alam ng nanay ko na hindi ako pang kontrabida. Kaya naiisip nya, okay na ang ANA. Lagyan ng LYN para di halatang hindi sila masyado nag exert ng effort. Hahaha. 

Sabi ni Webster, Anna means Grace (bakit hindi nalang kaya Grace pinangalan sakin? KALOKA). Tapos yung Lyn, karaniwang pangalang panlalaki. BONGGA!!! Well then, my name isn’t so bad after all huh. Kung bibigyan ng makabuluhan interpretasyon, pwede natin ipagpalagay na ako ay “Biyaya sa kalalakihan“. Lakas maka Japanese Porn-star! Charot!

Lumaki ako (ng bahagya) na ANNA ang madalas na itawag sa ‘kin ng pamilya at kaibigan ko. Yung Maldita, kelan ko nalang naikabit sa pagkatao ko. Cguro mga 8 yrs ago. Taon bago yun, tahimik ako pero madami na tumatakbo sa isip ko. Oh eto na, medyo serious na ko. Marami na ko napapansin na hindi ko naisasalin sa salita dahil ang paniniwala ko, walang makikinig. Katulad ng ilang batang masyadong active ang melanin, namulat ako sa kultura na mas pinapaboran ang mapuputi at mas magagandang bata. Sila yung mas madalas naririnig at madalas may nakikinig. Mas madalas nakakapagsalita. Madalas pinagsasalita. Kainis kasi, hindi pa uso alindog  noon! Charot. Maraming mga pagkakataon na sa mura kong edad, marami na ako gusto sabihin pero alam ko na hindi ako maririnig kasi ako lang si “Analyn”tapos medyo maitim. Eh parang hindi kapani paniwala dba?  Dumaan ang mga taon, naging mapag matyag ako sa agos ng buhay. Yun nalang kasi pwede ko gawin, magmasid. Hindi naman ako pwede umepal. Hello, negra na epal pa?! Naalala ko yung may declamation noon, gustong gusto ko sumali, kaso hand picked ng teachers ang mga sasali. Hndi pa uso blind audition. Kung sino maputi, sya ang winner.  Kaya ang ending, idinadaan ko sa pagsulat ng tula ang mga maliliit kong hinanakit, mga musmos na interpretasyon ng pakikisalamuha at pakikipagkapwa tao. Alam ko may mali. At nabuhay ako sa paniniwala na nakakulong nalang ako sa payak na depinisyon ng pangalan at kulay ng balat ko.

Fast forward tayo ng 16x sa panahon na  nakaisip ako ng “alias” o “codename”. OA na to sa haba kapag pati mga stories in between isasama ko pa… hindi nmn pwedeng pati sexlife ko, mainvolve dito no! So ayun na nga, dyaraaaan.. Si AnnaMaldita. Ang aking AlterEgo. Ang aking accidental superhero. HIndi inaasahan eh pero ang kapangyarihan nya? Makapagsalita ng hindi iniisip kung may makikinig o wala. Kung may kabuluhan ba o kapos sa kaalaman ang mga kataga na bibitawan nya. Wala syang pake. Wala syang kiber. At ang target nya noon, masabi kung ano ang totoo, ng walang sinasanto.

Screen Shot 2016-03-01 at 11.04.19 PM

Pakiramdam ko, nakalaya ako sa pagiging payak ng “ANALYN”. Nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin kung ano ang nakikita ko. At isinabuhay ko ang pangalan na “ANNAMALDITA”. Dumating yung panahon na nawalan na ko ng preno, nawalan na ko ng respeto. Masyado ako kumawala sa realidad at naniwala sa “super powers” na taglay ng super hero ko. Naitago ng pangalang “ANNAMALDITA” ang insecurities ko. Napaniwala ko ang ilan na malakas ako. Hindi marunong masaktan. BATO. Kulang nalang lunukin ako ni Darna, lilipad na sya. Pero mali pala.

Nagkaroon ako ng maraming tagasubaybay sa Facebook. Maraming humihingi ng payo at humihiram ng “sarcasm” ko para maitawid nila ang inis nila sa ibang tao. Nung una, masaya. Nakakalunod na may mga taong tuwang tuwa sa kamalditahan ko. Lumabas yung mga naitago kong hinanakit noon bata pa ko. Hahaha. Nagkaroon ako ng mga tagahanga, kaibigan, yung iba ginawa akong ninang.  Hanggang sa mamulat ako isang araw na “teka, mali ito”. Hindi ako ‘to. Hindi si ANALYN to. At hindi din dapat maging ganito si ANNAMALDITA. Dahil si Analyn at si Annamaldita ay iisa. Dapat iisa ang puso nila. Ngayon na may kakayahan na ko maiparating sa iba ang mensahe ng buhay, bakit ko itatawid sa maling paraan?

Sabi nga nila, ang magaling na teacher daw, inuuna ang tests bago ang lessons. Ganyan ang buhay minsan, nagiging terror. Binibigyan tayo ng mga pagsubok bago tayo mamulat sa totoong aral ng buhay.

At ang aral na napulot ko, ibabahagi ko sa inyo:

Hindi pangalan natin ang magbibigay ng depinisyon sa pagkatao natin, tayo mismo ang kikilos, mag-iisip at bubuo ng pagkatao natin para makalikha ng ugong ang pangalan natin.

Kaya ako, ako si ANALYN. At Ako din si ANNAMALDITA.

Pareho lang yan…

Totoo, tapat at kwela. Plus maalindog at sige na nga, maunawain. Hahaha.

Mas may arrive lang talaga ang “Annamaldita” kaya, hayaan nyo na. Blog ko to oh. At sabi nga ng nanay ko, “eh bakit ba nangengealam ka?”:)

NEXT: CHAPTER 1 

16 thoughts on “PROLOGUE: I am AnnaMaldita

  1. Ikaw na talaga ate! How i wish meron akong sense of humor na kagaya ng sayo pero okey na din atleast namana ko naman ang alindog mo! Ahahahhaha… I love you ate and I’m really proud na kadugo kita. Keep up the good work and patuloy mo kami pangitiin while learning sa mga sineshare mong life experiences, mga nakakatawang hirit sa mga bagay bagay. :))

    Liked by 1 person

  2. Mare! Bravo!!! Ang galing mo talaga! Sabagay elementary days pa lang natin kita ko na yung mga talents mo, mula sa cheerleading (boom ra ra!!!) hanggang sa mga aktibidades mo nung college. At kahit malayong magkaiba ang tinahak nating mga kurso, parang walang nabago sa pagkakaibigan natin. Keep it up! Alam mo dito lang ako (kahit malayo) pag kailangan mo ko. Amishu!!!

    Liked by 1 person

  3. Ikaw. Oo, ikaw. Bow.
    Best wishes sa pagsilang ng iyong website.
    Itaguyod mo ang makabagong sining ng responsable at makabuluhang pagsusulat.
    Tumtangkilik,
    Ako. Hindi ikaw. Ako to. Bow.

    Liked by 1 person

  4. Bravo mare… Nakikilala na kita sa annamaldita… Tinanong ko pa kay jaja real name mu if anne.. Sabe nya analyn … Sbe ko ah anna b??? Sbe nya oo ata… Sbe ko anna kapatid ni elsa… Lakas maka let it go at ang lamig din ng name mu… Salamat ke jaja at na meet kta dami ko natutunan sayo..inspiration ko mga idea mu sa mga diy at food decor sa lunch box ng kids sana ako dn magawa ko pag laki ng mga kidos ko..
    Keep it up mare… Pagbutihan mu pagsulat bka mas mag trending pa ito kesa KenCasey love story…

    Liked by 1 person

  5. Osam!!! Salamas, marsh! Napaka-lusog ng utak mo at masaya ako dahil naisheshare mo yan! Keep it coming! Lam mo naman I have always been your #1 fan!

    Liked by 1 person

  6. Sa buhay ni AnnaMaldita andun ung kht ganon ang buhay masaya pdn sa lahat ng naranasan nia dahil ang buhay ay isang malaking roller coaster nakakatuwa mgbasa ng ganito kc tlgang maiinspire ka!

    Sana mas lalo mo pa po kmi mapahanga,mapasaya,mapatawa at talagang my kapupulutan ng aral

    Like

  7. Super ganda! Pahingi ako ng ganyang klaseng sense of humor! magaang sa mata basahin, magaang sa pakiramdam kasi may napupulot na aral habang nangingiti ako!

    Like

  8. Analyn you rock!!! I look forward to all your life lessons because your outlook in life is brutally honest with loads of humor. Makes it fun reading your posts and not too old to learn good manners and right conduct. Luv ya long time !!!

    Liked by 1 person

  9. So,ito pala ang root word/origin ng “Ana”😉,ay bongga!May pinaghugutan tlg,kinabog ang dibdib ko. Nakakainspire ang blog mo, Dito mo makikita ang lawak ng pagiisip at pang-unawa ng isang tao,mga saloobin na maibahagi at magbigay aral at inspirasyon sa iba. Thank you.God bless! Please spread more goodvibes.Isa kang henyo! Kudos!

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s