Chapter 1: Maniwala Ka Kay AnnaMaldita

THE MAKING OF ANNAMALDITA

Maraming nagtatanong bakit MANIWALA KA KAY ANNA MALDITA or MKKAM.  At sa sobrang dami ng nagtanong, hindi ko na nagawang sagutin. Hahaha. Basta ang alam ko makasaysayan ang title na yan. Malalim ang pinaghuhugutan. Mas malalim pa sa sugat na nilikha ng ex ko nun highschool na bigla na lang nakipag-break sa’kin ng hindi man lang ako na informed. Alam na ng mga friends namin, ako clueless pa din. Haha. Pero naka moved on na ko d’yan. Hello, 20 years na nakalipas! Nag eevolve din into something better ang bitterness dapat. At hindi yan ang topic natin sa Chapter na ‘to. Sa ibang pagkakataon siguro. O sa ibang panahon. Kapag tinawag ng pangangailangan at hindi yan ngayon dahil may mga priorities ako. Taraaay! Pero kasi, naging pamantayan ko, Na ang mga bagay na wala ng relevance sa buhay mo ngayon, hindi mo na dapat binabalikan pa. Pwedeng tanawin. Pero hindi mo na pwede iexperience ulit. Wala na ngang relevance eh, para saan pa?  Hindi lahat ng taong daraan sa buhay natin ay pang habambuhay natin na mabibitbit. Kaya nga meron “memories”. Yun lang ang pwede mong dalhin, itapon o  kaya naman eh namnamin. Nasa sa ‘yo kung pano mo gagawing makabuluhan yan, o kapaki pakinabang. At kung wala ka makita ni isang silbi sa memories na yan, excess baggage yan!

   Let’s define Kamalditahan. Hindi ito yung pagiging bratinella or pa-diva. Hindi ito yung pagiging bully o mapang api at mapang insulto ng dahil lang sa trip lang. O dahil lang sa ayaw nila sa tao. HIndi ito defense mechanism gaya ng sabi ng iba, this was actually my coping strategy. I was trying to reduce pain with humour. Naks, PAIN. YES, P-A-I-N.   Contrary to what you all believed in, nakaexperience  at nakaka experience din naman ako ng sakit. Maldita lang ako pero hindi ako manhid. Kung ang bato nga, kahit anong tigas nadudurog eh, ako pa kaya na 36-24-36 ang figure ang hindi manghina? Joke lang,  walang kinalaman ang vital stat sa kapasidad ng tao sa pain management. Kaya kayong mga balingkinitan ang katawan, wag kayong ano dyan!!!

Kamalditahan is my way of attacking a premise I find insulting and degrading. Yes, premise hindi yung tao. Kasi kapag yung tao na ang inatake mo tapos wala naman ginagawa sa’yo, pang aaway na yun, panlalait, pagiging MASAMANG TAO na yun.  Taliwas sa kagandahang asal ang manlait ka kung wala kang maipagmamalaking ganda sa pagkatao mo. Pero sabagay, sino ba nman mabuting tao ang manlalait ng kapwa? At dahil ayoko maging kasing sama nila, pero ayoko din naman maagrabyado, itintawid ko nalang sa  “MALDITA QUOTES”.  At yun nga, parang machine gun ang page, ang daming tinamaan ng ligaw na bala ni ANNAMALDITA. Screen Shot 2016-03-02 at 7.55.13 PMScreen Shot 2016-03-02 at 7.54.37 PM

Thru MKKAM page, I was able to be ANNA MALDITA, pouring out my distress, my hang ups, my points of view, even my radical observation about people, ideas, and everything I tried to keep for years because I couldn’t handle confrontation and i was not confident enough to voice it out.  Until things started to file up and I am no longer the submissive person I was trying to project. Noon, naniniwala ako na lahat lilipas naman kahit na ‘di pag usapan, basta magkapatawaran. Sabi kasi, time heals all wounds. Pero hindi pala sa lahat ng pagkakataon iaasa mo lang sa time. Kasi may mga sakit na hindi nagagamot ng pag-aantay. Hindi lahat lilipas nalang. Dumating yung pagkakataon sa akin na konti nalang malilipasan na ko ng katinuan kakaantay na mawala yung pananakit ng iba. Hanggang sa magising na ako, na kailangan ko na depensahan ang sarili ko. Pero hindi sa paraan na lelevel ako sa mga taong nananakit sakin. Dahil kung inilagay ko ang sarili ko kaparehas ng kakayanan nila, what good am i? I know that I am better than these people trying to put me down. And the way to prove I’m actually beyond comparison is to hit back in my own terms, in my own Maldita way.

When someone says wrong about you, I learned that it has to be stopped right away no matter what it takes.  You have to respect yourself you must not let these people destroy you or not even allow them to know that you know they are conspiring for your destruction. You can’t  just allow people watch you watching them and do nothing.  Huwag kang umasa nalang sa resbak ni KARMA. Sa dami ng taong sisingilin ni Karma, mamumuti ang mata mo kakaantay. 

Sa ganon proseso umikot ang page, and marami siguro ang nakarelate dahil marami sa atin ang katulad ko na umaasa na mangingibabaw ang kabutihan laban sa kaimpaktahan ng mga tao sa paligid ko. Marami ang naka relate sa mga hinagpis at hinaing at kamalditahan ko noon. Malaki ang bentahe ng salitang “MALDITA”. Yung palaban. Pero hindi balasubas. Kasi sa kultura nating mga Pilipino, marami sa atin ang maraming hanash pero nauunahan ng “hiya”, at madalas ng sobrang kabaitan o katangahan pagiging “martir”.  Kaya nga diba patok sa ‘tin ang mga telenovela? Yung mga istorya ng mga naaapi na yumayaman, o gumaganda, o nagiging successful sa dulo ng nobela. Masyado tayong naniniwala sa konsepto ng reward at punishment. Nakikiisa tayo sa dalamhati ng ng mga bida, yun kasi ang inaakala natin patunay, na hindi tayo nag iisa sa pagkalugmok sa problema ng buhay. Na hindi lang tayo ang nakakaranas ng pang aapi, hindi lang tayo ang kaawa-awa. Yun yung mga itinatago nating hirap at pagtitiis na hindi natin magawang ipaglaban, dahil sa sandamakdak na pag iinarte,  karuwagan,  pabebe paniniwala na tayong mga api na hindi lumalaban ay bibiyayaan ng Best Actress Award,  masaganang buhay, in the right place in the right time. Dahil naniniwala tayo na ang lahat ng ibinababa, ay itinataas. At lahat ng nauuna ay nahuhuli. Ang lahat ng hirap ay may sarap. Ang lahat, oo lahat… lahat nalang inaasa natin sa right time. Pero kelan ba ang right time? Bukod sa Filipino time, meron pa tayong right time. Ang dami nating oras mag isip ng alibi! Gamit na gamit na yang right time na yan sa mga matatandang binata/dalaga, anong right time ang sinasabi nyo? Right time pa ba yung wala ka ng ngipin saka ka magpapa cute? Your right time is now. Do it or regret not doing it.

Screen Shot 2016-03-02 at 7.37.31 PMNa realize ko na ang  buhay natin ay hindi isang malaking tele nobela, na kapag api ka, bida ka kaagad. Na kapag nakakapanakit ka, kontrabida ka kaagad. Na kapag wala kang relevance, extra ka lang. Na kapag ayaw mo na, pack up agad. Na kapag hindi ka makaiyak, hahanap ka ng eyedrops o kukurutin mo sarili mo para makaarte ka. Hindi ganun. Sa buhay hindi pwedeng kaliwang mata mo lang ang may luha, hindi pwedeng aanggulo ka pa para cinematic ang dating mo. Sa totoong buhay, totoo ang sakit. Sabi nga nila, #TheStruggleIsReal. Iiyak ka kasi nasasaktan ka. Lalaban ka hindi dahil api ka, minsan, lumalaban ka para ipagtanggol ang iba. Minsan nakakasakit ka hindi dahil masama kang tao. Kundi dahil sinasabi mo ang totoo. Ang buhay ay hindi telenobela na laging may happy endings. Ang buhay ng tao parang utot. Kung bakit, ieexplain ko sa next Chapter.

Isa din sa realidad na natutunan kong tanggapin at ang katotohanan na may  mga tao talagang ipinaglihi sa kadiliman na para ba’ng hindi pwedeng sumikat ang araw kapag hindi  nila nakikita na nagdudusa ang iba. Hindi ko alam ah pero nag eenjoy sila kapag nakaka insulto sila, kinikilig sila kapag alam nilang nakakasakit sila. Mga sadistang tunay. Tawagin natin silang mga KONTRABIDOOO! Mga masakit sa bangs at nakaka kunot ng pilik mata. Mga taong ayaw mo sana patulan pero KSP eh. Sila yung kahit eyebags mo, big deal. Konting galaw mo, feeling nila, tsumunami ka at masasalanta sila! Sila yung akala mo pinya, lahat sa’yo nakikita, ang dami nilang mata!!! Sila yung magpaparamdam sa ‘yo na  totoo ang impyerno, dahil may mga demonyo’t impakto. Sila yung, konti nalang gusto mo na mangarap na sana may kaibigan kang asassin or ninja or mangkukulam or sana nanay mo manananggal na lang tapos magpapahid ka lang ng langis, lilipad ka na para puksain sila. Sila yung kapag pinili mong manahimik, sasamantalahin ang inaakalang kahinaan mo at kapag  umalma ka, ikaw pa mayabang. Sila yung mga taong nakakapag udyok sayo tumingin sa salamin at sabihin, “ANG GANDA MO KASI EH!”. Sila yung mga taong malakas maka “tanginamuch” at nakakapakyu! Sila yung gusto mo sisihin bakit ang tingin mo sa buhay, ay malaking pabrika ng plastik. Sila yung mga taong iiwan ka para maging buhay na saksi na “walang forever”. Sila yung mga taong paniniwalain ka na tao sila pero walang pakikipagkapwa tao. Sila yung mga taong uutangan ka, tapos, sila pa galit kapag oras na ng singilan. Sila yung mga taong hindi talaga tao. Sila yung mga taong, susubok sa pagkatao mo. Sila, sila ang mga taong, marerealize mo na miserable ang buhay at gusto ka lang talagang idamay. Ang dami nila. Tapos ang dami mo din pagtitimpi. Hindi ka pa tutubuan ng kamalditahan? Buti nga hindi sungay ang tumubo sakin. Hahaha! 

Tingin ko isa din sa naging bentahe ng page na MKKAM ay ang salitang “MANIWALA”. Aminin natin, marami kasi sa’tin MAPANIWALAIN. We are so tanga trusting, and naive. Halos ata sa lahat ng aspeto ng buhay, mapa relihiyon, pag-ibig hanggang sa pulitika, madalas lagi tayo naipagkakanulo ng mga puso nating naniniwala na may “change’, na may “future” na may “forever”. Naniniwala tayo na ang lahat ng ‘to ay mangyayari, sa “right time’.

Screen Shot 2016-03-02 at 7.47.39 PMScreen Shot 2016-03-02 at 7.55.26 PM

Oh ba’t nangingiti ka, relateable ba?  Wag ka mag alala, maraming relate dyan, maski ako hindi exempted dyan. Sa totoo lang, wala naman tao na hindi naging tanga  naive or trusting. Ang pinagkakaiba lang, may ibang graduate na, yung iba nagmamasteral pa. At yung iba, tinubuan na ng ugat dahil tumanda na walang pinagkatandaan. Truth be told, there’s a thin line between being “naive” and “pa victim”. At yun ay ang salitang “acceptance” o pagtanggap natin sa realidad na biktima tayo ng sarili natin katangahan, kainosentehan. Sa totoo lang, ayoko maging hard sa mga tanga naive. Kasi sa kaibuturan ng bawat puso natin, umaasa lang naman tayo na may taglay na kabutihan ang isang tao. Kahit pa sinasaktan tayo. Kahit pa syota na nya yung bestfriend mo. Or kahit pa 5years na yung utang nyang walang tubo. Naniniwala tayo na sa right time o tamang panahon, lalapit sya at sasabihin, who you ka nga? Ganun tayo ka bait. Kaya kapag nasaktan tayo, masakit talaga.

By nature gusto natin ma secure eh. Yun meron tayong paniniwalaan na magpapatibay ng natitirang pag-asa natin. Diba nga kahit gasgas na yung hashtag walang forever, marami pa din ang naniniwala na darating ang para sa kanila and that they will happily ever after. Tang ina kasing fairy tales yan. Pinaniwala tayo na lahat tayo may prince charming o knight in shining armor. Dun tayo tumutok lahat kaya hindi natin narealize na gusto din sabihin ng fairy tales na yan, na sa bawat istorya ng buhay, may bruha!


Screen Shot 2016-03-02 at 7.39.39 PMScreen Shot 2016-03-02 at 7.35.52 PM

Sa social media ngayon, malaking bentahe ang mayroon kang koneksyon sa nakakarami.  Kahit sa batas ng pamumulitika, isang mabisa at subok ng makenarya bukod sa pandaraya ay ang kunin mo ang kiliti ng masa.  Minsan kahit taliwas sa personal mong paniniwala, ang opinyon ng iba ay nagiging opinyon mo na din dahil sa mas madaling magpatianod sa daloy na itinutulak ng marami kesa banggain mo ang alon ng sarili mong paninindigan. Kung ano ang opinyon ng nakakararami yun ang lagi “dapat” daw mananaig.  And ending, nababaluktot na kung ano ang totoong tama para sa nakakarami. The sad truth about this country is that the greatest happiness of the greatest number is the measure of right and wrong. We sometimes are even willing to bend tradition when we find it is no longer convenient for the many. Basta dun tayo sa masesecure tayo.

Kapag hindi natin maramdaman yung security, ayan na… naiinsecure na tayo. Napaparanoid. At para malabanan natin ang lungkot at inggit dahil pakiramdam natin hindi tayo “in”, iiwan natin yung pagkatao natin. Magbibihis tayo ng naayon sa kung ano ang katanggap tanggap sa iba. Dahil dun sa tingin natin tayo sasaya.

Nun college ako, sabi ng teacher ko sa Psychology, the 3 A’s of happiness are Acceptance, Affection, and Achievement. Tingin ko dapat isama din natin yung Awareness. Yung makilala natin ang sarili natin, kung ano ang gusto natin, kung ano ang tama para sa atin ay napakalaking bagay para sa pagkatao natin. Yung mamulat tayo sa katotohanan na ang kaligayahan natin, kahit pa maraming taong gustong tanggalin o ipagdamot sa atin yon, ay makukuha natin kung pahahalagan natin ang “individuality natin”, rerespetuhin natin ang sarili natin, at matututo tayong tumayo at ipaglaban kung sino tayo at kung ano ang pinaniniwalaan natin.

Ang dami kong natutunan sa MKKAM, katulad nyo, namulat din ako sa mga bagay na akala ko ay hindi abot ng pang unawa ko. Higit sa mapanindigan ko ang opinyon ko, lumawak ang isip ko sa pagtanggap sa opinyon ng iba. Natuto akong kilalanin ang kahinaan ko at respetuhin ang kahinaan ng iba. At narealize ko na totoo nga, we cannot please everybody. Kaya let’s just tease them instead. 

Dagdag nyo na din sa A’s of happiness nyo, ANNAMALDITA.

74165_104412276296160_7017574_n

Did you miss Prologue?