Mabuhay, I’m back with a word, PAYOLOGY.
Sandali! Hindi ito para sa naghahanap ng paraan kung paano makasingil ng utang. O kaya ay kung paano makakapagbayad ng utang. No. Walang kinalaman dito ang “PAYOLA” or “PAYSUNG” or “PAY”. At kahit gustuhin ko man, ayoko ituloy ang ganyan pagsusulat. Malamang, maraming sasama ang loob. Hahahaha! Alam nyo naman ang mga mashushupal na fez na mangungutang, biglang kapag singilan na, nagiging balat sibuyas. Sarap igisa!
Payology, mga ka maldits ay hango sa salitang, PAYO. Lalayo pa ba ko? Napaka genius ano? Masyadong pinag isipan. Actually, kaya ako natengga ng matagal sa pagsusulat ay dahil sa kakahanap ng “root word” na yan. Charot! Ang payo ay isang aral o pasya ukol sa isang gawain o suliranin. Pagpapayo ay pagbibigay ng gabay na kadalasan ay naayon sa sarili natin experience, biases at pagpapasya. Kaya minsan, may mga payo na hindi applicable sa iba, kasi nakadepende naman talaga yan sa tao. Subjective ika nga. Payo is advice in English. Hindi Advise ha. Ang advise ay the act of making payo, u know! To advise is to give an advice. Wag nyo na ipa elaborate sa ‘kin kasi mababa ang grade ko sa English noon estudyante palang ako. Dinadaan ko lang ang teacher ko sa “yes” and “no”, minsan, nagagamit ko din ang “maybe”. At kapag naubusan na, inilalabas ko ang naka reserba kong “perhaps”. At ang pangmalakasan kong, “aaahm, I think so too, maam! You’re the teacher, you must know better”. Payo lang mga kids, wag nyo gayahin yan. Hahahaha
So ayun na nga, ang word na “PAYOLOGY” ay hango sa “PAYO” at “LOGY”. Parang apple at pen , UGH! APPLEPEN! Logy accdg to Wikipedia is a termination of nouns referring to writing, discourses, collections,etc. At dahil mahaba haba kung idedetalye ko pa, dun tayo sa “ETC” nabibilang. Collection ito ng mga payo-kalokohan ni Annamaldita. Pampa goodvibes. Pampakalma. Hindi ko kine claimna expert ako sa payuhan, pero sa kalokohan, batak ako dyan. Sa page ko sa FB, sa email na din, napakarami ko’ng natanggap na sulat na humihingi ng payo at aral ukol sa relihiyon, economy, stock market, ano ipapangalan sa baby, anong posisyon para magka baby, sino tatayaan sa boxing, ano number ang mananalo sa ending… Charot lang. Syempre hindi ganun. Kadalasan, mga hugot at hinagpis sa buhay.
Hindi ako professional adviser. Pero madalas akong nagbibigay ng aking kuro kuro, opinyon sa mga bagay bagay kahit pa na wala ako’ng kinalaman. Pakelamera? Hahaha. Hindi ko alam kung anong bertud meron si Annamaldita, madalas nahihingan ako ng payo ng mga kaibigan, kaanak, kapitbahay at kahit pa kaibigan ng pinsan ng tindera sa kanto, kahit hindi ako hinihingan ng payo, bigla ko nalang binibigyan ng advice for free ha, kahit hindi sila sumasangguni sakin. PROACTIVE AKO eh. Minsan nga kahit mga nakakasabay ko lang noon sa MRT. Lalu na yung mga madalas nakataas ang kamay tapos amoy overnight, amoy last week, amoy workaholic, amoy walang pakealam sa ilong ng iba, bubulungan ko at sasabihin, “May kaibigan akong albolaryo, kuya. Patawas ka!”.
Ang Annamaldita page ang nagbukas ng akin ng opurtunidad na mapalago ang talent ko na to, hahaha. Halos lahat na ata ng aspeto ng buhay, itinanong sa akin kung ano ang maipapayo ko. Minsan nakakagulat, pero madalas nakaka isip na may mga taong itatawid sa internet ang hinaing sa buhay. Nakaka overwhelm ang realisation na sa mundong ito may mga tao na buong tapang na lalapit sa isang tulad ko para idamay ako sa mga problema nila sa buhay. Charoooot!
Honestly, marami ako natutunan sa experience ko na yun. Marami sa kanila, alam na naman ang gagawin. Ang totoo, minsan naiisip ko hindi naman talaga payo ang kailangan nila, kundi isang tao lang na makikinig. Yung mapag bubuhusan ng sama ng loob. Masakit mag isa. Masakit yung may dinadala ka na ikaw lang ang may alam. Minsan, kahit na alam mo na huhusgahan ka, ikkwento mo para lang lumuwag ang dibdib mo. Kasi ganun tayo eh. Minsan mahina. Madalas nagpe-pretend lang na malakas.
Alam nyo, marami sa atin ang takot makinig sa iba. Dahil kasi ang totoo, tayo din naman meron mga sari-sarili natin problema na dinadala. Madalas kapag namumulat ako sa hirap ng buhay o bigat ng problema ko, itong mga sulat nila ang nagsisilbi kong kapit sa realidad na hindi ako nag iisa. At ang problema, kahit ano pa estado mo sa buhay, lalapit at lalapit yan sa yo na parang plastik na kaibigan. I ko-close ka tpos sisirain ka. Hahahhaa. Ang dami ko hugot no?!
Pero mas marami akong role sa PAYOLOGY experience na yan at proud akong ishare sa inyo. Minsan ako ay,
Career adviser:
Minsan din, MORAL BOOSTER
Naging TECH SUPPORT din si ate mong ANNAMALDITA,
Nag alsa-ALARM CLOCK:
At ASSASSIN BY NIGHT:
Sa sobrang dami, minsan nauubusan na din ako ng sagot. Lalu na kapag, HINDI KO MA TRANSLATE. Kahit i Google translate, hehe.
Seen na lang. 🙂 Hirap payuhan eh. 🙂
pls add me on fb ..im very interested in you
LikeLike