Kailan Tama ang Tama Na?

Mahaba ang pasensya ko. Pero hindi mahabang mahaba. Meaning, may ending. At katulad ng isang kanta na natapos na, ayoko na ulitin ng ulitin pa. Bakit? Nakakasawa eh. Kapag sawa ka na, nakakapanlumo, nakakawala ng energy.  Parang kinulang sa Milo. May energy gap, haha. Nakakapagod ang paulit ulit na kanta. Pag pagod ka na, gusto mo na huminto na lang, or worst, gusto mo na ma coma. Minsan pag wala ka energy ihinto ang mga bagay bagay, magagalit ka sa sarili mo dahil tinitiis mo ang isang bagay na ayaw mo na. Muntanga dba? Hanggang sa pipilitin mo magising sa katotohanan na gusto mo nang patayin,

ang radyo. Char.

Parang toxic na tao. No, hindi ko naman gusto patayin. Haha. Bad yun. Ang kailangan patayin dun o putulin ay ang pakikipag ugnayan natin sa kanila. Nitong mga nakaraang araw, ang dami ko natanggap na letters asking for advice , Paano ba daw tapusin ang isang relasyon. Ang totoo nyan, madali sagutin kung ang tanong “BAKIT KAILANGAN NG TAPUSIN” kaysa sa “PAANO”.  Kasi yung tanong na “bakit”, kaya mo hanapan ng rason, pero yung “paano”, ang hirap hanapan ng paraan lalu na kung sa sarili mo ang dami mo dahilan para mag stay at lumaban.

Yung paano tapusin, kanya kanya kasi tayo ng pamamaraan. HIndi lahat rules na applicable sa akin, logical sa iba. Yung tama para sa akin baka unethical sa yo o sa kanya. Siguro sagutin ko nalang yung, kelan dapat ng tapusin, kasi dyan malamang, magkakasundo tayo. Kung di ka man umayon, eh bahala ka na. Mag blog ka din, bruha ka. Charot!

Naniniwala ako na ang end goal ng bawat relasyon ay “happiness”. Kaya madalas, kapag hindi na masaya, nauuwi sa hiwalayan dba? Nakikipag relasyon tayo hindi lang dahil kailangan natin may makasama. Secondary na yan eh.  Kapag ang tao yan ang rason kaya may karelasyon, hindi relasyon ang hanap nyan, security at convenience lang.  Imagine mo, May kasama ka nga, hindi ka naman masaya, kaya mo ba? Nagtitiis ng nagtiis dahil takot mag isa. At dyan madalas pumapasok yung nagiging toxic na yung isang relatiosnhip.

So kelan mo dapat tapusin? 2 lang. Kapag ang partner mo o kaibigan  ay toxic person at kung ang relasyon nyo ay toxic na. Bago ka magising na toxic  na din.

Katangian ng TOXIC na tao.

  1. Center of the Universe.  Parang araw, pasikat. Naniniwala sya na umiikot ang mundo sa kanya, ng dahil at para sa kanya lang. Siya lang ang tama at siya lang ang magaling. Lahat ng sasabihin mo, kapag hindi ayon sa gusto at paniniwala nya, mali.
  2. Tailor Shift – Tailor in Tagalog is sastre or mananahi. Toxic people love to create their own stories. Mananahi ng kwento. Nagsisinungaling. Madalas sa kwento nila, sila ang bida. At kapag bida, kadalasan yan yung kawawa at api diba? At dahil bida, nasa kanya ang simpatya.  Sa story nya, sya na din ang direktor. Siya pa gagawa ng script. Sa madaling salita, siya na. Shift as in mabilis mag shift ang moods nya. Galit, inis, asar ng hindi mo alam ang dahilan. Tapos lalabas ikaw may kasalanan. Mag sorry ka, galit. Magbigay ka space, galit ka pa din. Mapapakanta ka nalang, “Shake it  off, shake it off”
  3. Mani and Pedi. Malalaman mong toxic na ang tao kapag mahilig na sa Mani at Pedi. Teka, hindi manicure and pedicure ha. Mani as in Manipulative. Yung mga taong mahilig mag manipula ng isip at damdamin mo at ng ibang tao pati na ng sitwasyon. Gagawa ng scenario na pabor sa kanila kahit pa maperwisyo ka. Kokontrolin nya yung opinyon mo at sasabihin ng iba ng iba. Sya ang masusunod. Minsan nga pati prinsipyo mo gusto nila i compromise mo para sa kanila. Pedi as in Pediatric. Para kang nag aalaga ng infant, ng bata na konting kibot, iiyak. KOnting mali mo, galit. Konting aberya, warfreak na. Kapag hindi nasunod, mag freak out. Sensitive na insensitive. Kapag may masabi ka against sa kanila, sensitive. Pero sila insensitive sa nararamdaman mo. Wala pake kung naasar ka na, kung nahihirapan ka ba, o kung pagod na pagod ka na sa kanila. Basta para sa kanila, sila dapat ang mauna. At gagawa at gawa sila ng paraan para masunod ang gusto nila. O ma materialize plano nila.
  4. Selfish, Judgemental, Unapologetic and They Exaggarate.  Kailangan ko pa ba isa isahin to? Kapag ang tao selfish, sarili lang nya nakikita nya kaya ang ibang tao laging mali sa pananaw nya, kaya kahit mali na sya, hindi sya mag so sorry kasi nga, kasalanan mo eh at yung kasalanan na yun halos ikamatay nya. OA!

Alam mong TOXIC na ang relasyon mo sa isang tao kapag

  1. Ang buhay mo ay punong puno na ng Drama. Drama. Drama. Damang dama mo ang drama sa lahat ng aspeto ng buhay mo kapag kasama sila. Minsan lang sya mag joke, pag di ka  natawa, galit sya. Pag tumawa ka naman, sasabihin, inuuto mo sya.
  2. Naiiyak ka hindi sa kadramahan kundi pakiramdam mo kasi, hopeless na sitwasyon mo kasama sya.
  3. Takot ka magkamali, takot ka ma offend sya. Kapag na offend ka nya, takot ka din sabihin sa kanya kasi baka ma offfend mo sya.
  4. Traumatic halos lahat ng moment kasama sya. Maski nga maisip mo lang sya, stress ka na. Pero hind mo alam na may trauma ka na. Di ka din aware na stress ka na.
  5. Hindi mo na maiwasang magalit o mainis sa sarili mo at sa mga sitwasyon na involved sya.  Kung di ka naman galit, pakiramdam mo, pagod ka.
  6. Naiinis ka na din sa sarili mo. Nagagalit ka na kasi feeling mo wala ka magawa.
  7. Pero may gusto ka gawin kaso alam mo kontrolado ka nya.
  8. Kapag narealize mo na naka repeat mode on na mga pangyayari sa inyong dalawa.
  9. Nako compromise na values mo. Pati prinsipyo. Pati relasyon mo sa iba.
  10. Pakiramdam mo, psychiatrist ka na. Worst, kailangan mo na ng isa.
  11. O minsan naman Lie Detector na. Worst kapag nasanay ka na sa lies..
  12. Hindi mo na alam pano humindi.
  13. HIndi mo din alam kung kelan tama ang pagsagot ng “OO”.
  14. Tinatanong mo sarili mo kung puppet ka ba.
  15. Tinatanong mo sa iba kung, normal ka pa ba?
  16. Tinatanong mo na sa sarili mo kung tama ba na tama na.
  17. TOXIC na yung pakiramdam mo. TOXIC ka na sabi ng friends mo.

Sabi nila, nakikipag relasyon tayo dahil ang ibang tao ang pumupuno ng kakulangan na meron tayo. MGa kaibigan, pamilya at katuwang sa buhay ang bubuo daw sa pagkatao natin. Minsan sa sobrang pagkagusto natin na makumpleto o mramdaman yung sense of fulfillment, nagtitiis tayo kahit pakiramdam natin, toxic na yung relasyon na meron tayo.  Katulad ng nasabi kanina, and end goal ng relasyon ay maging masaya. Idadagdag ko din yung gusto natin na “complete” tayo. Pag buo ka, ang saya dba? Pag may kulang,  maya’t maya may hinahanap ka. Sa isang relasyon, Kapag di mo makita o maramdaman na buo ang pagkatao mo, kahit pa may kasama ka, TAMA NA. So kelan nga ba tama ang tama na? Tama na kapag TOXIC NA.

Kasi kahit anong pagsisikap mong buuin ang isang relasyon, kapag ikaw naman ang nasisira, dapat alam mo na tama na, stop na. Kasi hindi na tama. 

 

 

 

 

 

31 thoughts on “Kailan Tama ang Tama Na?

  1. True this! Anong station ng radyo mo ate girl? Ikaw ba si cathy G? O kaibigang matalik ni Papa Jack? Hehe. Kidding aside, tama naman ung sinabi mo. Besides, (sa pagaadvise) hindi rin naman lahat ng sasabihin mo pakikinggan o gagawin namang talaga.salute to this post of yours!

    Liked by 1 person

  2. Relate much😊😊😊 first tym ko magbasa ng blog mo mayora, nag enjoy ako lalo na sa mani at pedi😊 Sarap basahin di nakakaumay, laging may spice, sarap kainin kung may spice…. 😘😍❤️👌

    Liked by 1 person

  3. Mas masarap mabuhay ng kasama natin yung mahal natin hindi para maging secured tayo, dahil gusto natin ung bagay na yun at dahil pinagbuklod ng dyos..Yung pagiging toxic o yung salitang toxic ang sisira satin o sa isang relasyon..Kasama na ang mga taong nakapaligid satin tulad ni tailor shift😂..May kasabihan nga Live,LOve and Laugh..Pag toxic na, tama na😁

    Like

  4. Ang taba talaga ng utak ni mayora. Kahit kalog marami ka matutunan saknya,lalu na sa pagpapanatili ng positive life. Despite of the negativities in the world. Charot

    Like

  5. Totoo to. Dati everyday nagppretend ako na okay lang ako kahit hindi. Pero one time naiisip ko hindi ako yakult na everyday okay. Why pretend na masaya na okay. Kung alam mong toxic na its better to stop. Mas masarap mabuhay ng walang bitterness sa buhay.

    Like

  6. Nakakatuwa namam itong blog mo sister ang galing! Relate much ako! And yes halos lahat nakasulat feeling ako sa sarili ko nangyayare haha! Damang dama ko eh! And yes parin di ako nagpapaapekto sa mga ganyang toxic na tao. Madami sila, iisa lang ako. Pero dahil na din sa suppory ng family, true friends and syempre ni God naoovercome ko lahat. God bless you sister.

    Like

  7. Yes yes yes super true. Relate na relate ako dito. Super daming toxic na tao kaya pinili kong umiwas na sa kanila. Hindi ko sila deserve at hindi din nila ako deserve. Magpapakatotoo lang ako! At dun lang ako sa mga totoong tao. I mean yung hindi plastic. Basta need din ng guide ni Lord kaya pray pray pray. Just enjoy our life dahil saglit lang ito. God bless.you maam, love you blog!

    Like

  8. True this!😑 andami kong kilalang ganito. Toxic talaga cla kaya lie-low ako sa kanila. Kaya ngayon parang peaceful na ang pamumuhay aketch.☺ be with less people whom you put your trust. Ok lng maliit kaibigan atleast totoo.😇

    Like

  9. Totoo to Ms.Anna , buti na lang iniwasan ko na yung dati kong friend .. na ultimo pag-comment ko sa facebook eh napupuna niya , gusto niya every post niya naka-like agad ako & pupurihin ko siya. Grrrr ! Siya pa may ganang magtampo pag wala akong comment sa post niya. Tssssk. Missyou Mayora!

    Like

  10. True Mayora ang yung mga tinuran. May mga bagay na may hangganan, hindi ka dapat maging masokista. Nasasaktan ka na’t lahat ayan at tinutuloy mo pa din. Pag humingi ka ng advice ibig sabihin alam mo ng may mali sayo o sa sitwasyon, pero ganun pa din di mo pa rin papakinggan. Ang balik na tanong sayo. Kailan ka kaya magigising? Yung helmet sa ulo mo puro crack na pero ayaw mo pa din alisin? Kahit anong tama na marinig mo kundi mo rin aabsorbin wala din saysay. Thanks mayora sana mabuksan ang isipin ko! Hahaha chos! Matagal na pong nagising! 😂😂😂 Miss you na Mayora!

    Liked by 1 person

    1. Hahaha. very slight lang naman. i cannot tolerate toxic people. ayoko ng dragging. ayoko ng emotional vampire. may limit ang kaya ko lang itolerate. kaya pag may signs na ppunta sa pagiging toxic, ayawan na.

      Like

  11. Tama ka mayora may hanganan ang lahat ang dapat lng natin matotonan ay kung kelan at kung pano natin ito tatapusin.. Sarap mag basa ng blog mo hind boring, ung talagang babasahin mo mula umpisa hangang dulo..

    Like

  12. Nakarelate naman po ako dito mayora😊 sobra na TAMA na ,
    Hindi na.masaya 😢 nakakasakal na😢 kaya ang ENDING e, Hiwalay na talaga kami. Relate Much talaga ako dito thankyou mayora , marami kaming natutunan 🙂

    Like

  13. Hello mayora!..nakaka miss ang mga salitang hindi basta basta mabubura sa isipan ng sino man…mahirap maging masaya kung ikaw lang ang may kagustuhan na maging maligaya ka,mahirap mag mahal,lalo na kung ang sarili mo ay hindi mo kayang mahalin….sulit ang paglaan ng ilang segundo sa pagbabasa ng blog mo!..sa uulitin na mayora!..

    Like

  14. Tama ka sis! Nag aasawa iba para lang may makasama sa buhay..maging secured future nila pero Mali yung reason nila.. Mas maganda na kasama mo happy ka at di ka magsisisi na sya binigay ni Lord sa buhay mo..

    Like

  15. I love your blog Mayora. Ang ganda po ng mensahe at nilalaman nito. Naka-relate din po ako sa number 2-7 na sitwasyon on toxic relationship. Sana po mabasa ko pa yung mga susunod na blog mo Mayora! Love you :*

    Like

  16. Jennifer joy miranda
    Helow mayora..
    Minsan masasabi mo ng tama na kpag sobrang hirap at pasakit ang nraranasan mo..masasabi mong tama na at gusto mo ng sumuko..lalaban ka nlng dahil alam mong may dumedepende din syo..

    Like

    1. Hi! Self love is a virtue. Mahalin mo sarili mo, kelangan un ang priority mo bago mo magawang mag share ng pagmamahal sa iba.

      Like

  17. Enough is enough. No more tears. Title ng isang kanta.
    D namn tau kelangan magpaka martie, kung paulit ulit na nasasaktan, nasasakal na at naapektuhan na din ang mga bata at ang sariling pagkatao, bakit sususunod pa sa dikta o sa sabi ng iba! Tindig, laban at sa huli, sa tulong ni God at ng pagmamahal sa sarili para sa kapakanan ng mahal sa buhay, pagttagumpayan.
    Thanks po sa blog. It’s enlightening and pampagising!

    Liked by 1 person

  18. Tama ka dyan sis..lahat ng sinabi mo dito totoo at napagdadaanan ng bawat isang tao na nasa unhealthy relationship.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s