Cavite is Squatter.

May malditang nag tag sa kin. "Mayora, nilalait mga Cabitenya". Sa page na OGAG! Ang tanong affected ba ko?!

Hindi ako Caviteña by birth, But I am Caviteña by heart. 30 years na ko sa Cavite. Ang magulang ko ay tubong Bicol, lumaki sa Quezon Province, nagkaasawa at nag settle sa Mandaluyong then lumipat sa Cavite nun 7 yrs old ako. In short, mga pariwara! Haha! Charot lang! Hindi mapirmi kasi! ✌🏻😜

So technically speaking, sa Cavite ako nagkaisip (kahit minsan wala sa tamang pag iisip). Sa Cavite ako nag aral (Immaculate Conception Academy, LASALLE), nagka crush, naglandi (pa bebe lang sa totoong buhay), rumampa, kumembot, nagkaasawa, nagkaanak, at lumalaban pa ng kembot hanggang sa kasalukuyan! Tatag dba? Eh ganyan kami sa Cavite! Katulad ng lahat ng Caviteño at Caviteña, iba ang resilience namin na nagmumula pa sa hangin ng Taal volcano, sa linamnam ng talaba sa Bacoor at sa pakpak ng mga paru paro ng Dasmariñas. Wala pa dyan parol ng Imus ha! Haha! Iba ang aral ng rebolusyon! 🌞⭐️⭐️⭐️

Gaya ng nasabi ko, Caviteña ako by heart. And when I say "by heart", nakatanim sa kaibuturan ng aking pagkatao ang pagmamahal ko sa probinsya na naging tahanan ko at sa mga tao na naging bahagi at rason kung bakit ako may tinatamasang kalayaan ngayon! Whoooo! Iwagayway ang bandera ng Pilipinas! Char! Ang point ko dito, kung ako nga na Caviteña by heart lang ganyan ang pakiramdam at pagmamahal sa Cavite, pano pa kaya ang mga legit at mas puro pa sa kape ng amadeo ang pagka Caviteño?! Ano kaya ang magiging reaksyon nila kung sabihin na Squatter ang Cavite at Ishupid ang mga tao dito. Dambalasik!

Ako sa totoo lang, hindi ako affected o nainsulto. Natawa ako actually! Pero alam ko marami ma ooffend. So Bago ko i hanash ang posibleng pag aaklas ay pagtitipon ng mga rebolusyunaryang macharot, may i hanash lang ako sa detalye ng keme ni ate at kuya;

Cavite is squatter.

Actually, mali ang pangungusap. Kasi ang Squatter ibig sabihin nun, illegal tenant. Kapag sinabi mong Cavite is squatter, illegal ba ang pagkaka lagay ng Cavite sa Pilipinas? Hehe! Baka dapat nasa Spain tayo, Gov Boying! Paki reconsider, por pabor!

Mali din sabihin na Cavite is a squatters' area kung yun ang gusto nila sabihin kasi sa pagkakaalam ko, sa Dasmariñas lang ang naging Relocation area ng mga squatters na galing sa iba't ibang lungsod sa Kamaynilaan noong 1975. Tinawag itong Bagong Bayan. Si Dating Pres. Ferdinand Marcos at ang kanyang Letter of Instruction No. 19 ang nagtatag ng proyekto ng Resettlement Area sa Dasmariñas Cavite. At ayon sa The Integration of the Relocatees into the Community of Dasmariñas : An Overview ni Nilo D. Cavides, ang mga taong nanirahan sa Relocation Area ay

nagmula sa dating mga squatters kasama ang mga creeks, esteros, riverbanks at railway tracks ng Paco, Pandacan, Sta. Ana at ang mga fringes ng Fort Bonifacio sa Makati (ngayon bahagi ng Taguig). Ang ilan ay mga squatters sa pribado at lupain ng gobyerno sa Tondo, Parañaque, at Quezon City.

So kung, babalikan natin, may point naman yung "squatter" Pero hindi buong Cavite ha. At hindi mga Caviteño ang squatters. May mga squatters at yan ay galing sa iba't ibang panig ng Kamaynilaan. Ikaw ba naman bahain sa Maynila, ewan ko nalang kung hindi ka tumakbo pa Cavite! So mali na sabihin na Cavite is Squatter at ipagpalagay na squatter ang mga Caviteño. Hello, nakita mo na ba mga lupain ng mga legit na kabitenyo? So Mali si ateh at kuya.

Sabi hindi daw dapat ma hurt kasi hindi naman nila sinabi na "ugaling squatter" pero parang ganoon na din ang connotation nun nung sinabi nila na Cavite is Squatter. Tapos dinagdagdag pa;

People are ishupid. Filipinos are ishupid.

Sa logic ang tawag dito Hasty Generalization. Sa Tagalog pwede na siguro, Tahasang paghuhusga. Sa dilang bakla ang tawag dyan, mahadera! Haha! I am a Filipino but I am not stupid. I live near SM molino, pumupunta ko dyan minsan pero hindi ako ishtupid at lalung hindi ako cheap. Tapos ang argument para sa akin. Kapag invalid ang premise ng kausap mo, wag patulan. Ganun ka simple. Hindi kailangan ma hurt kung hindi naman totoo. Period. Pero kung nakapila ka at nag aantay ng Pizza, ah maraming time, pwede na! Joke!

Pero yan eh opinyon ko. Pano opinyon ng mga sensitive at na offend?! Alam ko na marami nagalit sa komentaryo ni ate at koya! Hindi natin masisisi ang mga ma ooffend. Caviteño o hindi, kapag nakatira ka sa Cavite, foul ang dating nun comment na yun. Maski kanino mo sabihin yan, ma ba banas talaga sayo. Ay kaloko eeeh! Hindi naman inaano eh! At kapag sa Caviteña mo sinabi, hala ka, prepare for war! Hindi ka tatantanan ng Caviteño/Caviteña kapag na insulto mo sila. Hello, traffic nga sa Aguinaldo, hindi namin inaatrasan, mga ganyang patutsada pa?! Wala yan traffic nyo sa Edsa! Kasi un sa min, mula Tagaytay hanggang Coastal road! Meaning, mula sa bundok hanggang sa karagatan lalaban kami. Kaya do not mess with Caviteños and Caviteñas, kung ayaw mo mabalot sa dyaryo, gaya ng mga tinapa sa Salinas! Char! Kilala kami bilang matapang! Pero may dangal!!

Yung comment ni Ate at Kuya, ipagpalagay natin na offensive. Pero ang tanong, legit ba na sinabi yun?! Baka naman may iba pang nasabi na hindi nasagap nung nag kwento. Minsan kasi may mga ganyan na nag tri-trip lang. Mnsan nga kami ng barkada ko, nag uusap ng Mandarin habang nakapila sa Mcdo, ung Mandarin na tunog chabakano na ksama mga menu sa Chowking like chao fan and siopao! Haha! Walang makakaintindi, charot charot lang kasi. Minsan pag mahaba ang pila, kung anu ano na naiiisip mo para libangin sarili mo. Eh lalu pa sa S&R! Yung mas mahaba pa pila sa pizza kesa sa counter sa mismong groceries, haha! Nakakaloka!! Buti nga naisip ng S&R na magkaroon ng outlet yan mga pizza. Kasi nauubos minsan ung parking para sa mga mag grocery, na occupy na ng mga kakain lang dun. Naging pizza chain na. Dati gusto ko isuggest na magka Drive Thru. Kaso kamusta naman ang traffic! Haha!

Hindi ko sinasabi na sinungaling yung nag kwento, pero mahirap pumatol sa kwento lang sa Social Media sa panahon ngayon kung wala tayo proof. Sa mga millennials ksi importante na nakuhanan mo ng video, ng photo or na record mo. Mahirap yung kwento lang. mababash ka kahit pa totoo sinasabi mo kasi titirahin unang una authenticity mo. Uso kasi trolls. Uso din yung attention seeker lang. Kaya para sa akin, dapat hindi nalang pinatulan. Although naiintindihan ko naman ang emosyon ni ateng na nag post. Na offend sya marahil. At kapag balot ka ng inis at yamot sa haba ng pila plus hindi kagandahang comment, talagang mapapa FB ka! Lalu na habang naka pila at nag aantay ng Pizza!

Kung totoo man na sinabi nga ng 2 yung comments na yun about Cavite and it's people, sana hinayaan nalang kasi baka gutom lang sila. Nakaka hallucinate kaya pumila sa S&R, naamoy mo ung pizza kahit nasa dulo ka ng pila. Tpos habang ngalay ka na sa pagtayo at inip sa pag aantay, makikita mo yung nasa paligid mo kumakain na, naka unli soda pa! Naranansan mo na ba minsan yung gutom na gutom ka na tpos nakikita mo nag stretch yung mozarella cheese habang kagat kagat ng mga kumakain sa lamesa?! Tapos may mga nalalaglag pa na green bell pepper o pepperoni na parang gusto mo na saluhin?! Haha!! Dba gusto mo lundagin?! Minsan nga gusto ko mamik ap ng ilang pirasong french fries sa sobrang takam! Ganun kapag gutom! Yung tipong gusto mo awayin yung nasa harap mo para mauna ka na sa pila! Yung tipong hahamakin mo ang lahat, mapunta ka lang sa counter at maka order na!Unawain nalang. Baka sobra gutom buong Pinas gusto warlahin. Wag na awayin. Hindi nila deserve ang sumikat sa ngalan ng Caviteño. At sa ngalan ng Bansang Pilipinas. Kung ayaw nila maging Pinoy, eh di wow!

Wag na awayin kasi posibleng opinyon lang din nila yun, kung hindi naman totoo sa pagkatao mo, deadmahin dba?! Hindi ang opinyon nila ang magbibigay saysay sa totoong ikaw. Caviteño at Caviteña tayo. Ang nakakabit na adjective dyan mula noon hanggang ngayon ay salitang "matapang" at "may dangal". Kung sa tingin ng iba, "squatter", baka hindi pa nila tayo nakikilala,yung mga hanash nila, hanash lang yun. Hindi valid yun. Hindi sila relevant na tao like Aguinaldo. Mas abangan natin ang hanash ni Gov Boying. At mga hugot ni Ex Gov Jonvic! Mas magkaka saysay pa pagiging Caviteño natin!

Tandaan, Hindi sukatan ng pagiging tunay na tao ang pizza ng S&R. Ang tunay na caviteño sa Bonete at kababayan lang happy na, at ang tunay na Pinay, sa pandesal nabubuhay! Charaaat!

2 thoughts on “Cavite is Squatter.

  1. Masarap talaga basahin kapag wikang tagalog,dahil buwan ng wika ngayon. kahit tagalog nalunod ako mayora!..๐Ÿ˜‚hindi din ako caviteรฑa pero mahal ko ang lugar na ito…dito na ko nangitlog ng 4 eh hehe!..๐Ÿ˜Š sa haba ng binasa ko pag dating sa dulo bigla kong ginutom,๐Ÿ˜‰ puro pagkain ba naman haha!..kahit sa bonete nalang ako samahan nalang ng kape.๐Ÿ˜the best yung haba ng trafic na walang ilalaban ang edsa mag mula sa bundok hanggang karagatan.yan ang cavite!..

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s