Amelia Maldita

Dumalaw ako sa Nanay ko. Amg dami ko itinagong kwento knna ko lang naisa isa. Mga kwentong kung kahapon lang nangyari baka umaatungal ako. Buti nalang ilang lingo na lumipas kaya kaya ko na mag pretend na wala naman na. Di naman ako umiyak kasi ayoko makita nya na nasasaktan ako. Pa cool lang, kahit by nature I was born hot plus the fact na 38 deg lagnat ko. Sabi ko kay mama after magkwneto, baka si God na may gusto ng mga nangyayari. Hinahanapan ko talaga ng “brighter side” ang mga ganap para positive lahat. Kasi ayoko nga makita na affected si mother, at malaman nya na affected ako.

Ganun kasi diba, o baka ako lang. O baka yung iba sa inyo katulad ko. Weakness ko parents ko. Sila yung taong huli na gusto ko masaktan. Alam nyo yun? Yung kahit nasasaktan ako, mas madaling dalhin yung “pain” na binigay ng ibang tao sa akin kesa makita ko na nasasaktan ang magulang ko dahil nasasaktan ako. Ayoko ng ganun eh. Yung pakiramdam na pabigat ako o mag aalala sila sa akin. Kaya sinasabi ko sa kanya mga ganap sa buhay ko kapag naiiyak ko na at kalmado na ko. O kapag may solusyon na. Para tatawanan nalang namin. At hindi ako iiyak sa kanya.

Ang haba ng kwentuhan namin, ng mga sumbong ko. Napansin ko, na kahit ilang beses ako nag jo joke, naluluha luha sya, pinipigilan nya umiyak cguro nararamdaman nya na sa isang banda, nalamangan ako pero wala ako ginagawa kundi magpatawad at magbigay at magpatawad. Bilang nanay, nagagalit sya at Napapa hanash sya, usual amelia hanash na mag kasamang irap, haha. Pero watery na yung eyes nya and parang sad.

Eh ayoko nga sya umiiyak kaya sabi ko,

Ma, wag mo na isipin yun mga ikwneto ko ksi di naman masama loob ko. Kwento na lang to kasi tapos na naman at naipagdasal ko na. Wala kayo dapt alalahanin sa akin kasi kaya ko umunawa.

Sumagot sya habang nagpupunas ng mata.

Bakit naman ako iiyak? Kagabi pa masakit mata ko, parang may kumagat na insekto. Ako panuntunan ko sa buhay, pag gusto ako, gusto ko din. Pag sinabi nilang ayaw nila, sasabihin ko ayoko din sa inyo, naunahan nyo lang ako. Tapos ang usapan.

Palayain mo ang sarili mo sa mga taong pabigat sa buhay mo. Ang bato hindi yan niyayakap. Inaapakan yan, hanggang madurog kasi walang mga pakiramdam. Ituring mo na aral na lang ang lahat. Hindi iniiyakan ang mga taong ganyan. Sayang ang luha. Sa MMK nalang ako naiiyak ngayon.

Hahahaha! Basag! End of quote!

#InaMaldita

#HanashNiMeya

4 thoughts on “Amelia Maldita

  1. Parehas pala tayo mayora ayoko din na naapektuhan ang mama ko sa mga problema ko,mas siya ang inaalala ko kesa sa sarili ko.pero never ako nagsadabi sa kanya ng problema kahit tapos na.ayoko kasi makadagdag ng iisipin pa niya.lahat naman kinakaya ko kahit ako lang.😊 tuloy lang buhay,iwasan ang mga taong nakaka stress at pabigat sa atin.sayang ang ganda ko kung papanget lang ako ng dahil sa kanila.

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s