Isang box, galing sa Japan!

May mga friends ako na nawi weirdo-han sa FB page ko. O baka sa ‘kin, di lang nila masabi?! Haha! Some of them asked, “What do you get from maintaining a page?” Sumagot ako pero Hindi ako masyado nag e-elaborate and nag e-explain kasi bukod sa tinatamad ako, I don’t think I owe anyone explanation about anything that doesn’t concern them. Wala naman ako naagrabyadong tao. And wala naman dapat i-explain, feeling ko. Dba? Kaya nga meron sinasabi na “sa prisinto ka magpaliwanag” kasi dun kailangan ma justify mo kung tama o mali ang nagawa mo. Para di ka maparusahan. O hindi ka matawag na “offender”.

May mga tao talaga na hindi confrontational. Ayaw mag explain kahit kailangan. Pero kapag may obligasyon ka, o accountability, like for instance nasa isang group ka and may isang project ka na gusto gawin, dun kailangan na ng effort to elaborate. Kasi kailangan mo isipin hindi lang kung saan ka comfortable kundi pati na din convenience ng iba. Yun tinatawag na “team-player”. Pag inisip mo lang kung ano gusto mo, well, You’re the boss! Haha!

Teka, baka mamisinterpret ako. Like nun nakaraan mga araw. Ako kasi makulit ako. Matanong kapag alam kong kailangan ang sagot. Pero tolerant ako. Lalu na sa mga bagay na alam ko makakapag pasaya sa iba. Pero pag medyo tagilid ang reasoning, hnd ako passive na aayon lang. Oh baka sabihin na naman “conceited” ako ha. Naniniwala ako kay kumareng Ayn Rand na “Self Love is a Virtue” pero hindi ibig sabihin non, selfish ako. Dahil sabi din ni Pat Gozlan, “selfishness is the result of lack of self love. Sa article nya na “The Thin Line between Self Love and Selfishness”, sabi nya

“Loving yourself means that you are not expecting others to fix you when you fall down, as you have the tools to do so or you know how to ask help, so that you become independent to heal what needs to be healed.”

Dagdag pa nya,

By taking responsibility of your own life and feelings, you are filled within with love, inspiration, creativity, joy and health in a balanced way.

You are not living in the space of needing others to fill your tank.

Pag may respeto ka at pagmamahal sa sarili mo, hindi ka gagawa ng bagay na alam mong ikasisira mo. At hindi yan pagiging mayabang o conceited, okay? Virtue yan! You are setting you moral standards high enough cheap people cannot afford. Yung iko compromise mo paniniwala at oras mo para ma please yung mga clingy na tao. Yung mga miserble. Teka, alam mo ba kung miserable ka na o hindi? Read;

When you’re miserable, people feel sorry for you. Not only that, they often feel obscurely guilty, as if your misery might somehow be their fault. This is good! There’s power in making other people feel guilty. The people who love you and those who depend on you will walk on eggshells to make sure that they don’t say or do anything that will increase your misery.”

Kung pagiging conceited ang umiwas sa ganyan tao, well sige. Conceited ako. Pero let me tell you, Hindi ako Vain. Hindi ako narcissistic and egotistical na tao. Tolerant nga ako sa mga tao sa paligid ko. Dun sa mga taong pinag iisipan mga kilos nila. Yung mga taong impulsive, iniiwan ko kasi useless makipag talo, magiging masama pa ko. Dba?!I let people do their thing as long as wala din naagrabyadong tao or ginagawa lang yun dahil sa personal agenda. Ayan, nag eexplain na ko. Prisinto ba to?! Hahaha!

Well, hindi naman talaga ko mag eexplain ngayon. Na carried away lang ako. Char! The reason why I’m blogging today is to share you this overwhelming experience. And to thank a dear friend for the thoughtfulness.

Got a box of awesomeness last night! Grabe lang! Ako, malalim ako mag isip at magsalita (sabi nila!) pero sobrang babaw talaga ng kaligayahan ko. Pero hindi naman ako madali ma bribe o masuhulan. Kasi mararamdaman mo naman kung kelan sincere ang tao sa pagbibigay or napipilitan lang or may gusto lang patunayan. Pero most of the time, hindi ako nag iisip ng kahit ano. Mas gusto ko mag focus sa effort ng tao. Kaya nga kahit snail mail lang or Hallmark greeting cards, sobrang saya ko na. Naalala ko pa may nagsabi sa kin minsan habang namimigay ng pasalubong, “Hindi na kita bibigyan nito ah, afford mo naman“. Hahaha! Di ko alam kung mahihiya ako para sa kanya o sa ninuno nya kasi walang manners! 😜

Buti nalang itong si istoberi my friend, hindi ako diniscriminate.

<<<<<<<<<<<<<<

appy tummy! Daig pa black coffee ng UCC sa nakaka palpitate na kaligayahan. Pati mga Sylvaniannes, di magkandaugaga!!!

<<<<<<<<<<<<<<

γ‚γ„γ‚γ‚γ‚ŠγŒγ¨γ†γ”γ–γ„γΎγ™γ€εΏƒγ‹γ‚‰ζ„Ÿθ¬γ—γ¦γŠγ‚ŠγΎγ™γ€‚γ€‚(Iro iro arigatou gozaimaimas kokoro kara kanshashiteru imasu). <<<<<<<<<<

Sa mga friends ko pala, na nagtatanong ano nakuha ko from Annamaldita page, bukod sa mga bagong kaibigan at mga dagdag wisdom, ayan Isang Box Galing sa Japan! βœŒπŸ»πŸ˜‚

Kain muna ko!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s