Nakapag pahinga din. And more than anything, this is what I think I deserve the most. Dahil hindi ako robot to begin with. Tao ako, tao! Mukha nga lang diosa! Charot!
Alam nyo kailangan talaga natin ng break from our everyday routine kahit ilang araw lang para mag recharge, makapag contemplate and maka reevaluate ng mga plano, pangarap at priorities natin. Don’t feel guilty if sometimes you feel like you wanna be alone. You deserve a me-time and me-space. Lalu na if most of your days are spent trying to balance work and mommy duties.
Ang totoo, mas tiring (yet fulfilling) maging full time mom. When I say full time, yung buong oras mo nakatutok sa bahay, asawa at anak/mga anak mo. Mas mahirap un kesa maging manager, dahil ang manager sa office, isang department lang. Ang mommy, manager ng finance dept para sa budgeting hanggang maintenance dept na pati banyo, ikaw maglilinis. Ikaw din HR, ikaw pa din minsan electrician. Lahat ng aspeto ng pagiging nanay parang naranasan ko ata, mom in a corporate world, naging OFW mom, naging full time mom, at ngayon “Momtrepreneur” na. At walang mas madali o mas mahirap dun. Lahat mahirap. Pero rewarding naman kapag nakikita mo kung ano resulta sa development ng anak mo at ng pagkatao mo.
Promise.
Bilang babae, marami tayo roles sa buhay. Bilang anak, mommy, asawa, kapatid, kaibigan, boss, empleyado… At tingin ko, depende sa values na meron tayo kung ano ang priority natin palaguin dyan.
Nung naging mommy ako, I never stopped being a sister to my siblings. If there were times I prioritized them, it was not because I value them the most but because I wanted to set an example. Gusto ko makita ng mga anak ko yung pagmamahal na meron ako sa mga kapatid ko para sila din magmahalan at magtulungan.
I never stopped being a daughter. Same principle. Self serving pakinggan pero win win situation na mahal mo parents mo, mas mamahalin ka din ng mga anak mo kasi nakikita nila sayo ang standard.
I never stopped being a friend. But I make it a point, I’m friends with people who have the same priority as mine so they won’t get offended or upset if I say “No” to a brunch invitation or dinner date because my kids don’t want me to leave the house or because I have a meeting to attend to. Kaya it’s wise to choose better friends. Walang hassle. High maintenance kind of friendship is stressful and draining. Walang matinong mom-friend na gugustuhin ubusin ang oras mo sa pakikinig sa drama nya o ubusin ang oras mo sa lakwatsa kasi alam nya na may mga anak kayo na kailangan asikasuhin. I have bff since elementary days, we call and txt every now and then but get to see each other once a year (mandatory lunch, a week before or after Xmas) then bonus na un magkapare pareho kmi ng libreng oras sa minsanan dinner or high tea meet up or sa special occasions like bdays and anniversary parties.
It is never my priority to look beautiful, model level. Pero i make it a point na presentable ako. Malinis. Mabango. Okay na ko dun. Hindi ko kailangan maging maganda para tanggapin ng tao kasi ang katwiran ko, kung ganda ang basehan ng mga tao na to, then they don’t deserve my heart, and soul. At isa yan sa gusto ko ipasa na values sa mga anak ko. They should look beyond the physical things in life. Madali magpaganda sa panahon ngayon lalu na kung afford mo. At priority mo. I cannot afford money to spend for vanity because I have different priority. I am not against vanity, lalu na kung isa yan sa nag eenhance ng confidence and good aura sa mga tao. But you will fail in trying to put me down or make me feel inferior just because Im not pretty. Cause I never mind. And I have genes to prove otherwise.
Have you heard someone ask a guy, “How do u balance home and work?” No. we dont ask that. Because they don’t. Hahahaha. Tayo mga nanay ang nagbalanse ng lahat. Swerte kung mag mga husband na supportive para mas madali para sayo ang balancing.
I don’t judge priorities. Iba iba tayo ng konsepto ng kaligayahan. Pero isa sa mga inaadvise ko sa mga mommies na katulad ko,
“Always reevaluate your priorities and source of happiness. “ Minsan kasi na overwhelm tayo ng ating “narcissistic tendencies” or “self love” or individualism, ang gusto natin mapasaya natin muna sarili natin. Bilang mommy, kasama sa sign up details nun nanganak tayo na kailangan titignan natin kung ung priority ba natin ay nakalinya sa values na makakatulong sa personality development ng mga anak natin. Hindi lang natin sila basta iniluwal tapos gagawin na natin ang gusto natin.
Redeeming factor talaga mga anak. Aminin man natin o hindi. Sila talaga sukatan ng success at failure mo bilang babae. Kaya hindi madali maging babae. Hindi madaling maging mommy. Career woman ka man o housewife, you have kids to take care because they are your legacy. Sila ang ambag mo sa lipunan. At ang values mo bilang tao na ipapasa mo sa kanila ang mag dedetermine ng role nila sa lipunan. Sila ang whys of significance mo. Sila ang purpose mo. Sila ang medal natin. Ang diploma. Ang tunay na yaman. Kaya sa kanila tayo dapat nag iinvest,
ng oras
ng pagmamahal
ng sakripisyo.
Pag nawala tayo, ang totoong marka ng buhay natin ay kung anong klaseng tao ang mga anak na maiiwan natin.
Sakit na ba mata mo? Hahahaha! Sakit na ng finger ko! Charot.
Basta, always strive to be the best person. Hanapin mo san ka mag excel and try to pause and don’t be so hard on your self. We need break. We need calmness. We need to relax once in a while so we can focus on the most amazing job in the world, to be a mom.
Salamat Pagi from Jakarta, Indonesia.
Xoxo,
Inday ng mga anak ko.