Chapter 1: Anong Title?

One comment

Nasa Starbucks ako, papalipas ng oras habang nag aantay sa isang kliyente na male-late daw ng 25 minutes. Proud pa naman ako kasi nakakuha agad ako ng mauupuan.Alam nyo naman ang Starbucks, parang carinderiang bukas sa lahat ng gustong “umambiance” este magkape at tumambay. Ilang segundo palang ako nakakaupo, para na kong nasa horror movies. Yung feeling na parang huminto lahat ng mundo ng nasa paligid ko, tapos nakatitig lang sila lahat sa akin.  “Kulto ba tong mga ‘to” naisip ko. Kasi kung tignan nila ko, parang tingin na gusto ako ihain sa altar at gawin alay. Di naman sila magwawagi kasi di na po ako virgin mga ate. Hahaha. Narealize ko lang ba’t ganun tingin nila nun napansin ko na isa sa kanila nakatingin sa lamesa ko; walang kape, walang cake, walang tea. walang kahit ano na may tatak starbucks kundi tissue na naiwan nun naunang customer. At tska laptop lang at folder na dala ko para sa client meeting ko. Parang gusto nila ko pagkaisahan maagaw lang ang upuan ko. Alam ko hinuhusgahan na nila ko. Parang narinig ko pa yung isang babaeng mukhang hayok na sa frappe na nagsabi, “NAKIKIAMBIANCE LANG”. Ay, tinitigan ko sya pabalik. Tingin na nagsasabing “KAPE LANG BIBILHIN MO, HNDI ANG  INUUPUAN KO”. Na gets naman nya  feeling ko, bumawi ng tingin pagkairap ko eh. May mga ganyan tao ano? Yung susukatin ang pagkatao mo base sa buying power mo. Titimbangin ka base sa dami ng calories ng pagkain na na Instagram mo. 

Tingin ako sa phone, tapos nagbukas ng Macbook Pro ng slow mo, para malaman ng mga babaeng ‘to na kaya ko ngang bumili ng laptop, kaya ko din bumili ng kape. At para makaiwas sa mapanuring mata ng mga uhaw sa upuan este kape, nag try ako gumamit ng wifi, mag che-check ako ng email. Para proffessional ang datingan. EMAIL.  Kaso, “Anak ng Google!”, may password naman ang wifi. Di din ako makapag hotspot, mahina ang data ng phone. Darn’t! Malamang, kailangan umorder talaga muna ako para maka connect. Whohooo, The power of money! Naalala ko tuloy yung post ng isang kaibigan ko about how powerful money is. Para daw wifi yan. Pag malakas, marami ko-connect. Kaya pag mayaman ka, marami may kilala sayo. Marami ka kamag anak. Pag alam ng taong may pera ka, instant ninang ka sa binyag, kumpil, kasal, kahit sa investiture sa girlscout ikaw kukunin na ninang. Kaya sabi ko, low profile lang. Kailangan para ka din wifi, naka hide sa other divices. So dahil failed ang plan A, plan B is hmmmm, ayun, Excel. Binuksan ko lang, di ko alam gamitin yun. Hello, graduate ako ng Bachelor of Arts Major in Philosophy, Minor in Political Science, walang sinabi d’yan na kailangan alam ko Excel, okay! At kung nadiscuss man sa Math101, unawain nyo na, baka absent ako nun. 

Dahil natatangahan na rin ako sa ginagawa ko, nag decide ako bumili ng kape. Kaso, ang haba ng pila, pag tumayo ako sa kinauupuan ko, malamang wala na ko babalikan after ko maka order. Ang dami nag hahanap ng mauupuan. Meron nag aantay na sa gilid ng lamesa, bantay sarado, parang nakikipag laro ng patintero. Yung isa naman na representative ng grupo nila, kulang nalang makiupo sya para masabing sya ang next na uupo dun.

Torn ako, kape o upuan. pambihirang pagkakataon na maipit ka sa ganyan choices pero ika nga “shit happens”.  Pag pumila ko para makapag kape, mawawalan ako ng uupuan para makapag kape. Starbucks Paradox. Yung ieendure mo yung ingay, sikip, haba ng pila, para sa cafe ambiance na kathang isip lang naman. Sa buhay, may Starbucks Paradox din tayo. Yung pagtitiisan natin mga bagay na taliwas sa reason natin bakit natin ginagawa. Tulad ng pagpapayaman, marami nagpapkamatay para yumaman. Marami nagpapahiwa ng balat para kuminis. Starbucks Paradox. Ang masaklap pa kasi, hindi ka rin naman pwedeng umorder tapos iiwan mo bag mo sa upuan dahil naku for sure, mas nakakapalpitate yung maglaho ang bag mo kesa makahigop ng kape. Tang inang buhay sa Pinas. Napaka 3rd world! Bakit ba kasi ang dami daming tao sa Starbucks? At Bakit ba kasi sa dinami dami ng pwede pag kitaan o meet up, gustong gusto ng mga clients lagi ang Starbucks. Pwede naman kasi sa Buffet 101. Vikings. Dampa. Fresh pa mga ulam. 

 Anyway, Umorder ako kape, brewed. Natatakam na din ako sa aroma, so sabi ko, hayaan na walang maupuan. Kung dumating ang client na wala pa din kami upuan, kasalanan nya. Gusto nya Starbucks eh. 

Umorder ako ng Brewed Coffee. Ayoko ng frappe kasi sensitive ang sikmura ko kapag nababahiran ng whipped cream. Last time na umorder ako ng frappe, medyo na abuso ko yung tissue ng toilet nila, Bukod sa mahaba ang pila sa counter, pati sa toilet, box office din. Kaya pass ako this time. Kape nalang muna, brewed, dark, no cream. No hassle. Simple. 

Sa pila, nakasabay ko yung tumitig sa akin. Nauna ko sa grupo nila, kaya pag order ko, bumulong na naman, “Kape lang order, nag lamesa pa.” Alam ko ako yun, kasi ako lang ang umorder ng kape na nasa unahan nila. Deadma ko. Yung mga ganyang uri ng tao, hindi pinapatulan, pinapakulam yan. Charot. So, hinayaan ko. Tumabi sya sakin, sa isang cashier sya umorder, JAVA CHIP with DOUBLE WHIPPED CREAM and CHEESECAKE. Saraaaaaaaap, nakakapag patae. HAHA! Pero mas natae ko sa sagot nya nung tinanong sya ng pangalan nya, “It’s JESSICA” At pakilagyan ng title ha “SENIOR MANAGER JESSICA”. 

Natawa ko. Yung tawa na dadagundong sa buong cafe kung allowed lang sana. Kaso sabi ko nga, “shit happens” so let it be. Baka may pinagdadaanan si SR.MNGR. Usually, ang mga taong may magagaspang na ugali, it’s either di masaya childhood, o nasa childhood stage pa. May fixation. Di pa nakakamove on sa isip bata. Pero natuwa talaga ko sa title. Parang pelikula. Parang Nobela. Parang itong librong to, kailangan may title. 

Paano ba sumulat ng libro kung di ka writer? Paano sumulat ng libro wala ka naman title. Buti pa si Jessica. 

1 comments on “Chapter 1: Anong Title?”

  1. Natawa naman ako sa sinulatvmo dito ate anna may lesson at base on true story sa life natin and with italic bold pa ung hahaha mo hehe nice one pamagatan mong starbox paradox😊

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s