Si Lola at ang mga Itlog

No comments
***Mga kwentong di ko inakala mangyayari sa totoong buhay, di ko inasahan, di ko pinlano, di ko din ginusto pero nangyari at tingin ko, di ko kaya sarilinin kaya, basa!

***

Sa Puregold. Ang sama ng tingin sakin nung 2 crew sa grocery! Yung tinging pang basher at medyo nakaka bully. Tinanong ko lang nmn sila,

“Kuya, nasan po ang itlog nyo?”

“Hindi ko alam“, sabi nun isa. Ayyy, attitude! Yung isa pakiwari ko inirapan pa ko. Mga baklang tooow! Hindi na nga sila nakatulong sila pa may gana magalit! Di ka ba mahal ng mama mo? May issue ka ba sa kin, kuya?! Hater ka?! Dami nag process agad sa utak ko. Baka naman bad trip lang, mali ang gising o malamig na kape ang nainom o baka nagamugan. Hehe. Pero kasi kapag nasa customer service ka dapat walang puwang ang mood swing at personal issues mo sa buhay.

“Hmp!”, himutok ko habang papunta sa sulok. Baka andun ang mga itlog! Egg hunting at Puregold, literal! At di nga ako nagkamali, Ayuuuun! Nasa sulok nga ang mga kaitlogan! May itlog na pula, may brown egg, may itlog ng pugo, at itlog na puti na puro small sizes. Kailangan ko medium pero keribels, kumuha nalang ako ng isang tray.

Itinadhana ata nakita ko ulit yun 2 suplado nun nasa counter na ko, di ko matiis hindi sila iinform. Umaasa din kasi ako na baka may pusong mapagkawang gawa, hinanap para sa kin, o baka lang may initiative sila alamin kung nasaan para sa mga maghahanap in the future.

“Kuya!” sigaw ko.

“Nakita ko na itlog nyo, ang liliit pala!”

Sabay kaway then, “Salamat!”

Dalawa na sila umirap! Synchronized!

Yung matanda sa likod ko sa pila, sinilip pa yung hawak kong 1 dosenang itlog!

“Maliliit nga ang mga jaskeng itlong ng mga yan! Di ka maliligayahan” bulong ni lola.

Napangiti nalang ako.

Age comes wisdom, naniniwala ako kay lola!

Happy Easter Sunday, people of the world!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s