Lovebanana

I have reached that certain level of maturity where I have finally learned to accept the fact that no matter how I try to make things sound informative and intellectual, I will always end up messing around.

No comments

It’s almost a year since my last post. Sorry but I got caught up between not so-old age (I just turned 40) and inter/intra personal conflicts (okay, just an excuse for my laziness). I have kept my Facebook and IG active, though. Perhaps because I don’t need to talk too much there; few captions and you’re okay, few selfies with cleavage and you’re an instant celebrity. In short, no brainer.  Or probably, I have reached that certain level of maturity where I have finally learned to accept the fact that no matter how I try to make things sound informative and intellectual, I will always end up messing around.

Just like this one.

Ayoko mag kanin sana. Ang orihinal na plano ay magluto ng nilagang saging. Pero medyo malungkot kainin kaya naisip ko na gawin minatamis na saging nalang ang 10piraso na saba na nasa kusina. Tubig, asukal at Saba. Ayos, pwede na yun pangtanghalian. Pramis ko sa sarili ko, konti lang naman kakainin ko. Kasi nga, gusto ko sana mag diet.

Ilang minuto lang, luto na. Syempre ang kasunod, sumandok na ako. Ni ready ko pa fighting spirit ko, saging saging lang, walang arnibal (sugar syrup). Dahan dahan ako kumukuha una dahil takot ako mapaso, 2nd iniiwasan ko maparami ang sandok ksi there’s no point of return. Parang love, di mo pwede ibuhos agad lahat. Pero naaamoy ko yung tamis na parang ba’ng nagsasabi na “Hello, is it me you’re looking for?” And then I realized, Yes, kailangan ko ng tamis sa buhay ko. Pero “konti lang” ang bulong ko sa marupok kong puso.

Habang nasa lamesa ako, at nakatitig sa umuusok pa na minatamis na saging, naimagine ko na mas masarap ito kung may vanilla ice cream. Hmmm. Tamang tama, meron sa freezer. 1 scoop. Sobra is dangerous. Too much is deadly. Moderation is the key. Dahan dahan ko nilagay sa ibabaw ng saging. At yoooown na nga, di ako nagkamali. Ang sarap tignan na unti unti natutunaw un vanilla ice cream at sumasama sa arnibal. Parang sa commercial sa tv, parang sa mga print ads.. parang love story ng mayaman ay mahirap na nagka inlaban, parang langit at lupa na nagtagpo sa gitna. Parang ikaw at sya na pinagtagpo pero not good for the health. Haha!

At katulad ng mga cliche na love story na boring sa paningin ko, naisip ko, napaka payak naman ng Vanilla Ice Cream. Mas makabuluhan at kaabang abang ang story na hindi lang sana puro tamis, kailangan meron din maalat alat, at meron din texture! Yung may bumps, may humps, may oomps. Kasi realidad ng buhay na nasasamid ka, natatalisod, nagkakamali. At sa bawat relasyon o pag ibig na matatagpuan mo ang sarili mo na nadapa, reality yan. Tanga tayo minsan eh. Aminin mo? Pero andun ang lesson eh. At andun naman sa cabinet ang almonds na kailangan ko. Nagmadali ako kumuha. Tapos nun babalik na ko sa lamesa, biglang nasagap ng mata ko yung Amoretto syrup. Ewan ko ba pero bigla ko kinuha at nilagyan ko din ng kalahating kutsarita. I took the risk. Well, we all should take the risk if we want to truly live a life worth living. Pero syempre kailangan alam mo limitasyon. Kung hanggang saan lang ang keri mo. Kaya kung nadapa ka na once, isipin mo, is it worth the saludsod again?! Willing ka pa ba madapa ulit in order to be finally happy?

Ako? willing naman ako mag diet. Pero di pa ngayon. Malay mo balang araw, dumating din iyon… pagdating ng panahon…

K. bye. Tunaw na ang ice cream!

***

Don’t tell me I didn’t warn you.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s