Thought of sharing you an excerpt from the book I’m writing with working title “Paano Magmahal Ng Walang Label.” It’s the 2nd unpublished book I made after “Paano Magsulat Kung Di ka Writer”. Yes, unpublish kasi di pa ko ready tawaging,
writer. Charot!
Enjoy reading!
Chapter 3: He’s not worth it, But you deserved it.
Friend: Ang sakit pala pag di ka gusto ng gusto mo.
Me: Aaaay! Hindi ka informed? Di ka nakatanggap ng memo?
Friend: Wag mo na ko lokohin, broken hearted na nga eh.
Me: Ako ba nanloko sa yo? Hindi ba ex mo? O sarili mo niloko mo? Hahaha!
Friend: Sige na! Ako na! Ang sakit sakit kasi talaga.
Me: Iiyak mo nga lang. Hindi pwedeng hindi. Lalu na if you feel like it. Pagtapos n’yan, magdecide ka kung ano na gagawin mo after mo maiatungal lahat.
Friend: Alam mo Ana kung ano mahirap sa part na di ka mahal ng mahal mo?
Me: Hmmmm.. Ano?
Friend: Yung nasasaktan ka kasi hindi ka nya mahal pero alam mo sa sarili mo na hindi ka dapat nasasaktan at nonesense ang pain kasi di ka naman nya nga mahal. Not worth it. Gets mo?
Me: Eh nonsense pala, ano inaarte mo?
Friend: Yan nga sinasabi ko. Di ko din alam bakit ba kasi ako nasasaktan sa tao na di naman worthy ng sakit na nararamdaman ko..
Me: Teka, may tao ba na worthy ng sakit na nararamdaman natin? No one is worth our pain, ha.
Friend: Lalu ako naiiyak sa’yo.
Me: Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko? Charot! Iiyak mo nga lang. Wala naman masama kung iiyak ka, worthy man sya ng pain mo o hindi base sa criteria ng tear-worthy mo. Umiyak ka para sa sarili mo. Para sa inner peace mo. Kasi baka hindi naman talaga para sa tao na yun ang pain mo. Baka nasasaktan ka over the effort and time you spent for the person na hindi mo na mababalik. O baka nasasaktan ka kasi umasa ka na sa bawat bigay mo, may balik. Minsan ang totoong nakakasakit sa atin hindi naman yung tao mismo na pinag ukulan natin ng panahon, o effort, o kahit ng tanginang pagmamahal na yan. Kundi yung sarili natin mismo kasi umasa tayo. Yes, umasa. Nag expect. So umiyak ka lang, kasi gaga ka, kasi umasa ka. Kasi binigay mo lahat. Nagpatira ka pero di ka nagtira para sa sarili mo. Kaya nasasaktan ka. He may not be worthy of your pain accdg to you, but ghorl, baka you deserve it! 😜
Friend: Ang hard mo sa kin!
Me: Mas hard ka sa sarili mo.
End.
There. Did you like it? Let me know, comment down below. 🤗
Wow 😮 ang ganda!!! Very true marami nakaka relate Ana sa sinasabi mo. Truth hurts sometimes però dapat marinig ng inner part natin para magising tayo at maging malakas! Thanks for sharing! Waiting for your books my favourite writer!
LikeLike
Like it ! Tama ka Anamaldita :*
LikeLike
Such a tease. Now I can’t wait for the book.
LikeLike