Mahirap pala talagang mag-move on, lalo na kapag nasanay kang may isang bagay o taong palaging nariyan. Para siyang biglaang pagbabago sa routine; yung dati, automatic na may good morning o good night ka mula sa kanya, ngayon, ang tanging notification na natatanggap mo ay “#BDOStopScam: Mag-ingat sa text na may link, kahit galing sa “BDO.” Gumagamit ng fake cell sites ang scammers to send these scam texts. Don’t click links!” sa phone mo. Dati, may isang taong masasabihan mo ng kahit anong random na bagay sa araw mo, ngayon, sarili mo na lang ang kakwentuhan mo, at wala kang choice kundi pakinggan ang sarili mong overthinking. Dati he finds way to be with you, pero now, BDO na lang ang ganun.
Katulad ng pagdidiyeta, ang pag move on ay proseso. Hindi pwedeng minamadali. Hindi rin puwedeng dayain. Pero minsan amının mo na parang gusto mo na lang i-skip ang buong proseso at magising na lang isang umaga na payat ka na dba… at wala na yung lahat ng sakit. Unfortunately, wala pang ganung hack sa buhay eh.
Ang nakakatawa, ang moving on at pagpapapayat, halos pareho ng cycle. Una, excited ka pa eh, “This is my new era!” Sabi mo pa, “I deserve better!” Motivated ka, ready kang iwan ang lahat ng hindi na healthy para sa’yo. Pero pagkalipas ng ilang araw, biglang craving mode ka na. “Isang cheat day lang naman,” sabi mo sa sarili mo, sabay kain ng ice cream sa dilim habang nag-i-scroll sa old photos ninyong dalawa.
Tapos may phase na ipagpipilitan mong okay ka na, kunwari effortless na parang sinasabi mo sa sarili mong “Happy na ako, thriving na ako!” kahit gabi-gabi kang tinotorture ng memories. Parang nagda-diet ka pero palihim kang kumakain ng fries sa tabi-tabi. Alam mong niloloko mo lang ang sarili mo.
Pero siguro ganito talaga. Hindi mo malalaman kung gaano kabigat ang isang bagay hanggang sa bitawan mo ito. Hindi mo rin mararamdaman kung gaano kahigpit ang pagkakahawak mo sa sakit hanggang sa subukan mong pakawalan ito. At tulad ng taba sa katawan, hindi mo mapapansin agad ang progress, pero isang araw, magugulat ka na lang na mas magaan ka na, hindi lang sa katawan kundi sa puso rin.
Balang araw, magigising ka at hindi mo na siya hahanapin. Hindi mo na iisipin kung paano siya o kung naaalala ka pa niya. Balang araw, hindi mo na kailangang pilitin ang sarili mong maging okay, kasi magiging okay na ka lang nang kusa.
At kung may natutunan man siguro tayo sa mga hanash na to, ito ‘yon: Kung gusto mong makamove-on, iwasan mo ang pagbabalik sa “comfort food” na hindi na dapat sayo. Kasi minsan, akala mo gutom ka, pero ang totoo, nauuhaw ka lang at hindi tubig ang solusyon kundi self-respect.
- NEW SITE, NEW BOOKI’m so excited to announce the launch of my new website! It’s a space where I’ll be sharing my latest essays, thoughts on the creative process, and updates on the… Read more: NEW SITE, NEW BOOK
- Shades of GriefI was supposed to change the theme of my Christmas Tree to red this year. It has been five years since Mama left, and I thought maybe it was time… Read more: Shades of Grief
- 5 Letters I Never Sent from HanoiI’ve finished my first book, the one I’m finally willing to let the world read. I’ve written many before, but fear always stopped me. There’s a strange kind of nakedness… Read more: 5 Letters I Never Sent from Hanoi



Leave a comment