Mahaba ang pasensya ko. Pero hindi mahabang mahaba. Meaning, may ending. At katulad ng isang kanta na natapos na, ayoko na ulitin ng ulitin pa. Bakit? Nakakasawa eh. Kapag sawa ka na, nakakapanlumo, nakakawala ng energy. Parang kinulang sa Milo. May energy gap, haha. Nakakapagod ang paulit ulit na kanta. Pag pagod ka na, gusto mo na huminto na lang, or worst, gusto mo na ma coma. Minsan pag wala ka energy ihinto ang mga bagay bagay, magagalit ka sa sarili mo dahil tinitiis mo ang isang bagay na ayaw mo na. Muntanga dba? Hanggang sa pipilitin mo magising sa katotohanan na gusto mo nang patayin,
ang radyo. Char.
Parang toxic na tao. No, hindi ko naman gusto patayin. Haha. Bad yun. Ang kailangan patayin dun o putulin ay ang pakikipag ugnayan natin sa kanila. Nitong mga nakaraang araw, ang dami ko natanggap na letters asking for advice , Paano ba daw tapusin ang isang relasyon. Ang totoo nyan, madali sagutin kung ang tanong “BAKIT KAILANGAN NG TAPUSIN” kaysa sa “PAANO”. Kasi yung tanong na “bakit”, kaya mo hanapan ng rason, pero yung “paano”, ang hirap hanapan ng paraan lalu na kung sa sarili mo ang dami mo dahilan para mag stay at lumaban.
Yung paano tapusin, kanya kanya kasi tayo ng pamamaraan. HIndi lahat rules na applicable sa akin, logical sa iba. Yung tama para sa akin baka unethical sa yo o sa kanya. Siguro sagutin ko nalang yung, kelan dapat ng tapusin, kasi dyan malamang, magkakasundo tayo. Kung di ka man umayon, eh bahala ka na. Mag blog ka din, bruha ka. Charot!
Naniniwala ako na ang end goal ng bawat relasyon ay “happiness”. Kaya madalas, kapag hindi na masaya, nauuwi sa hiwalayan dba? Nakikipag relasyon tayo hindi lang dahil kailangan natin may makasama. Secondary na yan eh. Kapag ang tao yan ang rason kaya may karelasyon, hindi relasyon ang hanap nyan, security at convenience lang. Imagine mo, May kasama ka nga, hindi ka naman masaya, kaya mo ba? Nagtitiis ng nagtiis dahil takot mag isa. At dyan madalas pumapasok yung nagiging toxic na yung isang relatiosnhip.
So kelan mo dapat tapusin? 2 lang. Kapag ang partner mo o kaibigan ay toxic person at kung ang relasyon nyo ay toxic na. Bago ka magising na toxic na din.
Katangian ng TOXIC na tao.
- Center of the Universe. Parang araw, pasikat. Naniniwala sya na umiikot ang mundo sa kanya, ng dahil at para sa kanya lang. Siya lang ang tama at siya lang ang magaling. Lahat ng sasabihin mo, kapag hindi ayon sa gusto at paniniwala nya, mali.
- Tailor Shift – Tailor in Tagalog is sastre or mananahi. Toxic people love to create their own stories. Mananahi ng kwento. Nagsisinungaling. Madalas sa kwento nila, sila ang bida. At kapag bida, kadalasan yan yung kawawa at api diba? At dahil bida, nasa kanya ang simpatya. Sa story nya, sya na din ang direktor. Siya pa gagawa ng script. Sa madaling salita, siya na. Shift as in mabilis mag shift ang moods nya. Galit, inis, asar ng hindi mo alam ang dahilan. Tapos lalabas ikaw may kasalanan. Mag sorry ka, galit. Magbigay ka space, galit ka pa din. Mapapakanta ka nalang, “Shake it off, shake it off”
- Mani and Pedi. Malalaman mong toxic na ang tao kapag mahilig na sa Mani at Pedi. Teka, hindi manicure and pedicure ha. Mani as in Manipulative. Yung mga taong mahilig mag manipula ng isip at damdamin mo at ng ibang tao pati na ng sitwasyon. Gagawa ng scenario na pabor sa kanila kahit pa maperwisyo ka. Kokontrolin nya yung opinyon mo at sasabihin ng iba ng iba. Sya ang masusunod. Minsan nga pati prinsipyo mo gusto nila i compromise mo para sa kanila. Pedi as in Pediatric. Para kang nag aalaga ng infant, ng bata na konting kibot, iiyak. KOnting mali mo, galit. Konting aberya, warfreak na. Kapag hindi nasunod, mag freak out. Sensitive na insensitive. Kapag may masabi ka against sa kanila, sensitive. Pero sila insensitive sa nararamdaman mo. Wala pake kung naasar ka na, kung nahihirapan ka ba, o kung pagod na pagod ka na sa kanila. Basta para sa kanila, sila dapat ang mauna. At gagawa at gawa sila ng paraan para masunod ang gusto nila. O ma materialize plano nila.
- Selfish, Judgemental, Unapologetic and They Exaggarate. Kailangan ko pa ba isa isahin to? Kapag ang tao selfish, sarili lang nya nakikita nya kaya ang ibang tao laging mali sa pananaw nya, kaya kahit mali na sya, hindi sya mag so sorry kasi nga, kasalanan mo eh at yung kasalanan na yun halos ikamatay nya. OA!
Alam mong TOXIC na ang relasyon mo sa isang tao kapag
- Ang buhay mo ay punong puno na ng Drama. Drama. Drama. Damang dama mo ang drama sa lahat ng aspeto ng buhay mo kapag kasama sila. Minsan lang sya mag joke, pag di ka natawa, galit sya. Pag tumawa ka naman, sasabihin, inuuto mo sya.
- Naiiyak ka hindi sa kadramahan kundi pakiramdam mo kasi, hopeless na sitwasyon mo kasama sya.
- Takot ka magkamali, takot ka ma offend sya. Kapag na offend ka nya, takot ka din sabihin sa kanya kasi baka ma offfend mo sya.
- Traumatic halos lahat ng moment kasama sya. Maski nga maisip mo lang sya, stress ka na. Pero hind mo alam na may trauma ka na. Di ka din aware na stress ka na.
- Hindi mo na maiwasang magalit o mainis sa sarili mo at sa mga sitwasyon na involved sya. Kung di ka naman galit, pakiramdam mo, pagod ka.
- Naiinis ka na din sa sarili mo. Nagagalit ka na kasi feeling mo wala ka magawa.
- Pero may gusto ka gawin kaso alam mo kontrolado ka nya.
- Kapag narealize mo na naka repeat mode on na mga pangyayari sa inyong dalawa.
- Nako compromise na values mo. Pati prinsipyo. Pati relasyon mo sa iba.
- Pakiramdam mo, psychiatrist ka na. Worst, kailangan mo na ng isa.
- O minsan naman Lie Detector na. Worst kapag nasanay ka na sa lies..
- Hindi mo na alam pano humindi.
- HIndi mo din alam kung kelan tama ang pagsagot ng “OO”.
- Tinatanong mo sarili mo kung puppet ka ba.
- Tinatanong mo sa iba kung, normal ka pa ba?
- Tinatanong mo na sa sarili mo kung tama ba na tama na.
- TOXIC na yung pakiramdam mo. TOXIC ka na sabi ng friends mo.
Sabi nila, nakikipag relasyon tayo dahil ang ibang tao ang pumupuno ng kakulangan na meron tayo. MGa kaibigan, pamilya at katuwang sa buhay ang bubuo daw sa pagkatao natin. Minsan sa sobrang pagkagusto natin na makumpleto o mramdaman yung sense of fulfillment, nagtitiis tayo kahit pakiramdam natin, toxic na yung relasyon na meron tayo. Katulad ng nasabi kanina, and end goal ng relasyon ay maging masaya. Idadagdag ko din yung gusto natin na “complete” tayo. Pag buo ka, ang saya dba? Pag may kulang, maya’t maya may hinahanap ka. Sa isang relasyon, Kapag di mo makita o maramdaman na buo ang pagkatao mo, kahit pa may kasama ka, TAMA NA. So kelan nga ba tama ang tama na? Tama na kapag TOXIC NA.
Kasi kahit anong pagsisikap mong buuin ang isang relasyon, kapag ikaw naman ang nasisira, dapat alam mo na tama na, stop na. Kasi hindi na tama.


Leave a reply to Amy Cancel reply