Tumba Tumba.

Excerpt: Life is short sabi nila. At kapag nagkaka edad ka, onti nalang araw mo para ubusin mo pa sa pag po-problema sa problema ng iba. Kaya siguro madalas sa may edad dumadapo ang sakit sa puso. Kasi nagugol natin ang kabataan natin sa pag susubok maging bayani sa mga taong di naman deserve ng kabayanihan natin o sa mga panahon na hindi naman kailangan na maging bayanı tayo pero nag bubuwis tayo ng buhay.

No comments

Dati pag nakakabasa o nakakarinig ako mga illogical reasonings, mga statements na contradicting sa personality nila, o past actions nila o mga present decisions nila, napapa react ako. Gusto ko I point out na, teka, remind ko lang ha ganito ka at ganyan kaya wala ka authority to hanash that way or of that sort.

Ngayon pag nakakabasa o nakakarinig ako ng mga ganyan, nagiinit pa din ang tenga ko at na tetemp pa din naman ako mag react hindi dahil directly affected ako kundi dahil cguro OC ako, nakikita ko yung inconsistencies.

Pero tinatamad na ko ‘mag react.

I realized it is not my problem if may intra personal conflicts ang mga taong to.

It’s not my problem kung nag sisinungaling o nagpapanggap sila o o gusto lang nila mag pretend te be someone they’re not or kung pa famous lang sila sa social media.

Di ko problema kung misplaced ang emotions nila at kung distorted ang values nila.

Di ko problem kung di naka align ang intentions nila sa actions nila.

Di ko problem kung limited ang kakayahan nila umunawa sa iba.

Di ko problema kung unhappy childhood sila at may Fixation sila na kailangan ma overcome.

Sa madaling salita,

Di ko problema kung ano problema nila.

At di ko dapat pinoproblema kung paano nila sosolusyunan yun. Di ko dapat pinoproblema kung ayaw nila solusyunan yun.

Baka naman kasi inaassume ko lang na problem o issue yun. Pero sa kanila pala, parte na ng pagkatao nila. O posibleng coping mechanism. O baka, naka tanim na sa value system nila.

Life is short sabi nila. At kapag nagkaka edad ka, onti nalang araw mo para ubusin mo pa sa pag po-problema sa problema ng iba. Kaya siguro madalas sa may edad dumadapo ang sakit sa puso. Kasi nagugol natin ang kabataan natin sa pag susubok maging bayani sa mga taong di naman deserve ng kabayanihan natin o sa mga panahon na hindi naman kailangan na maging bayanı tayo pero nag bubuwis tayo ng buhay.

Minsan nag aasume tayo na kailangan nila ng tulong natin o maalalayan sila, pero sa realidad, kaya naman nila sayangin ang buhay nila sa walang kwentang bagay. At madalas hindi natin na re realize na baka yun na yung comfort zone nila at walang sinuman ang may super power na makakapag palabas sa kanila doon. Wala na tayo magagawa pa.

Di ko sinasabi na tama ako, Pwede din naman na di ako mali. Basta ang gusto ko lang sabihin, tamad na ko isipin ang mga iniisip ng ibang tao.

Ganun ata pag tumatanda ka na. Tamad na.

Ang gusto mo nalang, malaya ang isip mo mag isip ng mga bagay na labas na sa control mo.

Ang gusto mo nalang, maging masaya.

Maging mapayapa.

Ganun ata pag tumatanda na.

Ang gusto ko na lang talaga, magka tumba tumba (rocking chair).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s